61: Hacked

926 18 3
                                    

"Ang laki na ni Dave! He's so handsome!"

Tuwang-tuwa si Tito Boy nang ipakita ko ang picture ni Dave sa kaniya. Baby pa si Dave noong huli niyang nakita sa personal. Halos hindi na niya nakilala si Dave sa picture. Chubby pa kasi si Dave noon. Ngayon kasi, payat na 'yung mukha niya tsaka nagsisimula na tumangkad. Magmamana nga yata talaga siya sa height ni Donny. Sana all!

"Syempre naman, Tito Boy. Kamukha ko 'yan, eh," sagot naman agad ni Donny habang tinuturo ang sarili niya.

"Mas kamukha ko po siya, Tito Boy," pakikipagtalo ko. Ipaglalaban ko talagang kamukha ko si Dave! Kasi kamukhang-kamukha ni Donny si Ino!

"Ahihihi! (Tawa 'yan ni Tito Boy) Actually, kamukha niyo pareho si Dave. Pero etong bunso niyo," sabi ni Tito Boy sabay lipat sa picture ni Ino sa phone ko. "Donny na Donny ang mukha!"

"Tama 'yan, Tito Boy. Ganiyan po ang bonding," sagot ni Donny bago tumawa.

Inirapan ko si Donny. "Madaya! Ako ang nagdala ng 9 months, tapos hindi ako 'yung kamukha!"

"Malay mo, Belle, kamukhang-kamukha mo na 'yung sunod. Kaya sundan niyo na si Ino!" sabi ni Tito Boy bago tumawa nang malakas. "Balak niyo pa bang magka-baby ulit?"

Napakurap ako sa tanong ni Tito Boy. Wala pang 1 year old si Ino kaya matagal-tagal pa bago masundan si Ino! Kaloka naman 'tong si Tito Boy. Akala ko, pumunta kami rito para pag-usapan 'yung property na binebenta niya sa 'min. Hindi naman ako na-inform na iinterview-hin din pala kami rito. Pwede na magkaroon ng talk show si Tito Boy. May potential siya. Charot!

"Ang ganda po ng halaman niyo, Tito Boy," sagot ni Donny. Tinuro niya pa 'yung halamang nasa gilid.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa malayong sagot ni Donny o matutuwa kasi napunta na sa halaman 'yung attention ni Tito Boy. Hinampas ko ang hita ni Donny sa ilalim ng table at tumawa. Saglit niya naman akong nilingon bago tumawa rin. Baliw talaga 'to!

Pagkatapos naming pag-usapan ang halamang tinuro ni Donny, napunta na sa property ang topic namin. Lumipat kami sa veranda at doon nag-usap. Magkatabi kami ni Donny habang katapat namin si Tito Boy.

Hindi rin naman kami nagtagal doon dahil mabilis namang natapos ang paguusap namin. May pupuntahan pa kasi kami tsaka may gagawin rin si Tito Boy.

"Balik kayo rito, ha!" sabi ni Tito Boy sa 'min habang hinahatid kami palabas ng bahay niya. "At sana, pagbalik niyo rito, kasama niyo na 'yung mga bagets!"

"Pagbalik po namin dito, 5 na kami," bulong ni Donny pero narinig ko naman.

Tumawa naman si Tito Boy. Ahihihi ulit. Charot!

"Aasahan ko 'yan, Donny!"

Pagkatapos naming magpaalam kay Tito Boy, umalis na rin kami agad. Pupunta kasi akong salon dahil ngayon ko naisipang magpakulay ng buhok. Isa pa, nasa mga Lola at Lolo 'yung mga anak ko kaya marami akong time pumunta ng salon ngayon.

"Ano bang gagawin mo sa salon?" tanong ni Donny habang nagda-drive.

"Magpapakulay nga."

"Matagal ba 'yon? Balikan na lang kita sa salon," sagot niya bago tumawa.

Natawa rin ako. Subukan niya lang akong iwan sa salon, wala na siyang bahay na uuwian!

"Ayoko nga! Tsaka magpapagupit ka, 'di ba?"

"Pinagiisipan ko pa."

"Magpagupit ka na rin mamaya para matapos na ang problema ko sa buhok mo."

Bigla namang tumawa si Donny. "Ikaw naman kasi! Ayaw mo pa akong pagupitan!"

"Ayoko! Trim lang, 'wag gupit."

The next Big Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon