99: Best Girl

1K 22 9
                                    

"Where's Mommy?"

Pakagat na sana ako sa binuksan kong chocolate kung hindi ko lang narinig ang boses ni Donny. Nanlaki pa ang mata ko at sandali akong natigilan. Noong narinig ko na ang footsteps ni Donny na mapunta rito sa kitchen, binalik ko agad sa ref ang kinuha kong chocolate.

Pagagalitan na naman ako no'n kapag nalaman niyang kumakain na naman ako ng chocolate. Pinagbigyan na niya ako kanina. Pero bitin naman 'yung kain ko kanina. Kaya noong umalis siya, pumunta agad ako rito para kumain ng chocolate. Hindi ko naman akalain na mabilis pala siyang makakabalik! Sana naglakad na lang siya kung malapit lang ang pinuntahan niya. Ang mahal na kaya ng gas ngayon! Kaloka!

Saktong pagsarado ko ng ref ay biglang lumitaw si Donny. Mushroom 'yan for today's video?

Nagkatinginan muna kami. Hindi ko alam kung paano ako magrere-react nang hindi nagmumukhang may ginawa akong hindi niya dapat malaman. Tatawa na sana ako pero nauna na siyang tumawa sa 'kin.

"Ginagawa mo?" tanong niya habang naglalakad palapit sa 'kin. "Kumakain ka na naman ng chocolate, 'no?"

Nanlaki ang mata ko. May CCTV ba siya na sa 'kin lang nakatutok? Bakit niya alam? O baka naman, may ebidensya sa pisngi ko?! Hinawakan ko agad ang paligid ng bibig ko. Wala naman akong nakuhang chocolate.

Ide-deny ko pa sana. Pero alam na naman niya kaya inamin ko na lang.

"Hehehe. Isa lang naman," sabi ko. Napakamot pa ako sa leeg ko kahit wala namang makati.

Lumapit siya sa 'kin at hinawakan ako sa mukha. Bumaba rin naman agad ang kamay niya sa balikat ko tapos sa braso ko at marahan pang pinisil ang braso ko.

"Kumain ka na kanina, eh," nakanguso niyang sinabi. Bakit siya pa ang nagpapa-cute sa 'ming dalawa? Dapat ako, 'di ba? Kasi ako 'yung may kailangan?

Sumimangot ako. "Last na, promise. Gusto ko talaga kumain ng chocolate ngayon. 'Yung sunod na kain ko, next week na."

Next week?! Hindi ko kaya 'yon! Pero bahala na! Nasabi ko na, eh! Lalambingin ko na lang si Donny kapag gusto ko kumain ng chocolate. Hindi 'yon nakakatanggi sa lambing ko. Wahaha! Kung hindi siya madadaan sa lambing, sa guest room ko siya patutulugin kapag hindi siya pumayag na kumain akong chocolate!

"Ikaw? Next week na kakain ng chocolate? I doubt it," tatawa-tawa niya pang sagot at pinindot pa ang ilong ko. Pindutin ko rin siya, eh!

Bumuntong-hininga ako. "Okay, fine. Hindi na ako kakain ng chocolate ngayon. Bukas na lang."

Naiiyak pa naman ako kapag hindi ko nakakain 'yung mga pagkain na cina-crave ko. Kasalanan ng Tiktok ang lahat ng 'to. Ayoko na nga tumambay doon! Puro pagkain na lang lumalabas sa fyp ko!

"Hindi naman bawal kumain ng chocolates, Tink. Ang sa 'kin lang, 'wag lang too much. Binili pa nga kita ng mga chocolates, 'di ba? 'Wag mo lang kakainin lahat sa isang araw lang."

Tumango ako. Naiintindihan ko naman. Lagi na lang ako nire-remind ni Dra. na 'wag ako masyadong kakain ng mga sweets and fatty foods. Simula noong buntis ako kay Dave, sinasabi na niya 'yun. Sinusunod ko naman ang mga sinasabi niya. Syempre, para kay baby ang lahat ng 'to. Para healthy siya kahit hindi pa siya lumalabas at kapag lumabas na siya. Pero may mga times talagang hindi ko napipigilan. Tapos kapag pinigilan pa ako ni Donny, ako pa ang galit sa 'ming dalawa. Hay nako, last na talaga 'tong si baby number 5!

"Okay," sagot ko. Hindi 'yan labag sa kalooban ko.

Bumuntong-hininga rin si Donny kaya napatingin ako sa kaniya. "Sige na, kumain ka na. Pero isa lang, ha? Tapos iinom ka ng maraming water---"

Hindi ko na pinatapos si Donny sa speech niya at binuksan ko na agad ang ref. Kinuha ko 'yung binuksan kong chocolate kanina na hindi ko nakain. Bakit kasi ang dami niyang biniling chocolates tapos 1 lang ipapakain niya sa 'kin sa isang araw?! Kasalanan niya rin 'to!

The next Big Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon