13: Truth or Bear

702 22 2
                                    

"Ginalingan mo na naman, Belle. Wala ka sa The Voice, ha," bulong ni Donny pagkatapos naming mag-duet.

Kalurkey! Talaga namang kinilig ako nang bongga sa duet namin! Ang sarap kasi pakinggan ng mababa niyang boses. 'Yung boses ko naman, sawang-sawa na ako sa tunog niyan kaya hindi ko na masyadong inisip. Mas nag-focus ako sa boses ng ka-duet ko. Hah, mainggit kayo! Naka-duet ko crush ko! Favorite ako ni Lord. Char!

"Sira," bulong ko rin. Hindi ko alam kung bakit parang tunog-maharot 'yung pagkakasabi ko.

Nakatingin lang sa 'kin si Donny habang naka-ngiti. Hindi ko na rin naman napigilan kaya napatitig na lang din ako sa kaniya habang naka-ngiti. Pareho pa naming hawak ang mga microphones kahit tapos na ang kinanta namin.

Natigil lang ang titigan at ngitian namin noong tumikhim si Gello. "Ehem, ehem! Grabe, ang kati ng lalamunan ko!"

Paglingon ko sa kanila, nakatingin pala silang lahat sa 'min at parang natutuwa pa sila sa mga nangyayari. Ako rin, natutuwa! Itatanggi ko pa ba 'yon?!

"Ang epal mo naman, Gello! Dapat sa 'yo, tinatanggalan na ng lalamunan!" reklamo ni Criza. May hawak pa siyang phone at nakatutok pa sa 'min 'yon. Kinukuhanan pa rin niya yata kami ng video. Tama 'yan, Criza! Hindi ko na sisirain ang moment niyo ni Joao!

"Alam niyo, bagay kayong dalawa," biglang sinabi ni Jim. "Pero, pwedeng ako naman ang kumanta? Nagsisimula na kasi 'yung nilagay kong kanta."

Doon pa lang kami napatingin sa videoke. Nagsisimula na nga ang sunod na kanta. Kaya binigay na ni Donny ang mic kay Jim para maka-birit na siya sa kantang Sometimes by Britney Spears. Binigay ko naman ang hawak kong mic kay Gello para samahan niya sa kahihiyan si Jim. Chos!

Bumalik na ako sa tabi ni Criza. Ngiting-ngiti pa si Criza sa 'kin at siniko pa ako. Umiling na lang ako at hinanap kung nasaan si Donny. Nakita ko siya sa tabi ni Miah at parang inaasar pa siya nila Miah. Umiling na lang din si Donny habang tumatawa.

Ay, ang harot naman namin! Ano ba 'yan! Pereng shira 'tong si Donny! Hindi ko nga lang alam kung may crush din ba siya sa 'kin o gusto niya lang talaga akong asarin! O baka naman, pa-fall lang siya?! Abaugh!

Dahil g na g kumanta ang mga kasama ko, hindi nila tinigilan ang videoke. Binuksan pa ang ilan sa mga inumin na dala namin. Konti lang daw ang iinumin nila dahil magtitira raw sila para mamaya. Mas maganda raw kasi ang ambiance sa may beach kapag nag-iinuman.

Sa gitna ng mga kantahan, inuman at tawanan, nagawa pa naming maglaro ng truth or dare. Truth or bear pa nga ang tawag dahil episode 5 na sa Friday. Char!

Pinaikot ni Jim ang plastic bottle sa table. Tumapat naman iyon kay Gello.

"Gello, truth or bear?" tanong ni Jim.

"Bear!" sagot naman ni Gello. Mukhang ayaw niyang ma-hotseat ngayon, ah?

"Hmm," si Jim ang nag-iisip ng dare. Tutal, siya naman ang may gusto ng larong 'to. "Ang dare mo ay umuwi ka na sa inyo ngayon."

Malakas kaming nagtawanan sa sinabi ni Jim. Ang sama talaga!

"Hayup ka, buddy! Gaganti ako sa 'yo mamaya!" sabi naman agad ni Gello. Nagtawanan na lang kami habang pinapanood sila.

"Gello, kailangan mong gawin 'yung dare," tawang-tawa naman 'tong si Limer.

"Ewan ko sa inyo!" sigaw naman ni Gello. Natawa na lang din siya, eh.

Pinaikot na ulit ni Jim ang plastic bottle. Kung minamalas ka nga naman! Sa 'kin pa tumapat ang dulo!

"Finally!" sigaw ni Criza. Mukhang masaya pa siya na ako na ang sunod na tatanungin! Pati sina Limer, sigaw din nang sigaw!

The next Big Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon