My husband:
Brkinda
Iblpbe u
So mycjh
Baba ks
Miusd kita
Hwjahjhah
Belle:
HAHHAAHAHAHAHAHAHHAHAHA
ANAK NG
inom pa more 🤪
My husband:
Uwi
Belle:
tapos magyaya ka na umuwi
HAHAHAHAHA bahala ka
My husband:
Bellw pynts ka ritp
Belle:
wag mo kong utusan hahahaha char
My husband:
HAHAHAHAHAHAHA LASING NA SI KUYA
BENJ TO ATE
Belle:
nako ka bat mo yan nilasing
My husband:
HAHAHAHAHA di niya napapansin na dinadaya ko na siya 😂
Pakipulot po yung asawa niyo nababaliw na rito
Belle:
HAHAHAHAHHA wait lang
Sinasabi ko na nga ba. Mag-aalaga na naman ako ng lasing ngayong gabi. Sabi ko kay Donny, 'wag siyang iinom masyado kasi nilalagnat siya kinabukasan kapag nalalasing siya nang sobra. Eto namang si Benj, pinagtripan 'yung kapatid niya. Edi ang ending, si Donny ang lasing at siya ang hindi. Birthday ni Daddy A ngayon kaya may inuman sesh na naganap.
Nagpaalam muna ako kay Solana na bababa muna ako. Nandito kasi kami sa room niya kasama sila Ino at 'yung mga bata. Iniwan ko rin muna si Gabbie sa kaniya. Si Gabbie pa naman, ang behave-behave. Hindi siya madalas umiiyak. Hindi tulad ng mga Kuya niya noong baby pa sila.
"Sola, call me kapag umiyak si Gabbie, ha?"
"Yes, Ate!"
Nasa stairs pa lang ako, naririnig ko na ang mga tawanan nila Hannah mula sa veranda. Sa garden kasi nag-iinom sila Donny kaya mukhang sila ang pinagtatawanan nila Hannah.
"Eto na si Belle!" sabi ni Ate Ella pagkakita niya sa 'kin. Hinigit niya agad ako papunta sa veranda. Pagkakita ko sa mga nangyayari roon, napa-facepalm na lang ako at natawa.
Anak ng pating, Donny Pangilinan! Sige, igiling mo 'yan! Sayawan mo 'yung mga kainuman mo! Lalo na 'yung Daddy mo na napapakamot na lang sa ulo dahil sa ginagawa mo. Happy birthday po, Daddy!
[Natatandaan niyo ba 'yung pagsasayaw ni Donny (as Deib) sa last episode ng HIH series? 'Yung nasa The Barb sila? Ganoon 'yung sinasayaw niya rito! Wahahaha! - xxxluhanxxx)