DONNY'S POV
Since Dave and Ino did well in School, as a gift for their hardwork for studying hard, and also a gift na rin for Gabbie since she wanted to go to School na raw next year, Belle and I decided to bring them to the happiest place on Earth--- the Hongkong Disneyland. Our kids are well-behave so we'll give them a reward. I'm sure, they'll love that place! Lalo na si Gabbie, fan na fan 'yun ng Disney.
Kanina pa ako tumatawa habang pinapanood kong ma-stress si Belle kay Ino. Nag-aayos kasi sila ng mga dadalhing gamit dahil bukas na ang flight namin. Then there's Ino being Ino, ayun at tinotopak na naman sa gedli. Kanino ba nagmana ang batang 'to? Basta hindi sa 'kin. Hindi naman ako madalas topakin, eh. Kung hindi sa 'kin, kanino kaya? Sino kaya 'yung madalas topakin dito? Edi si Belle! Wahahaha!
"Anong tinatawa-tawa mo?"
Napatigil ako sa pagtawa nang makita ko ang nanlilisik na mga mata ni Belle. Grabe, wala naman akong kinalaman sa ginagawa at pinaguusapan nila roon. Bakit nadamay na naman ako?
"Hindi po ako lalaban," sagot ko na lang.
Inirapan ako ni Belle at binalik ang attention niya kay Ino na nakaupo lang sa floor at nakatingin sa kaniya. Hay, bakit ang ganda pa rin ng asawa ko kahit para na siyang bubuga ng apoy anytime? Partida, wala pang ligo 'yan. Naka-messy bun pa at hindi man lang nagsuklay pagkagising niya. Pero ang ganda pa rin talaga. Sobrang ganda.
Habang nag-aaway silang mag-Mommy doon, lumabas na lang ako ng room ni Ino at baka madamay na naman ako sa sama ng loob ni Belle. Pinuntahan ko na lang sina Dave at Gabbie na nanonood ng TV sa room namin.
Pagpasok ko, nakahiga silang dalawa sa kama habang tutok sa TV. Noong lumapit ako sa kanila, napatingin agad sa 'kin si Gabbie tapos nagpapakarga na naman. Sabi ko, big girl na siya kaya mabigat na siya. Pero hindi ko na ulit sinabi 'yon kasi umiyak siya noong sinabi ko 'yun sa kaniya. Tapos nagtampo pa sa 'kin at hindi ako pinapansin. Manang-mana sa Mommy niyang tinotoyo lagi.
Umupo ako sa kama habang nakayakap sa 'kin si Gabbie. Isa rin sa mga bagay na namana niya kay Belle ay ang pagiging tarsier. Mukha yata akong kawayan sa paningin ng dalawang 'to, ah? Buti na lang, love ko silang dalawa. My Princess and my Queen.
Maya-maya ay pumasok na 'yung dalawang parang laging masama ang gising. But this time, nakasmile na silang dalawa. Lahat yata ng saltik ni Belle, napamana niya sa mga bata. Si Dave lang ang walang saltik, eh. Sa 'kin talaga 'yun nagmana.
Habang yakap ko si Gabbie, tumabi sa 'kin si Belle at may binulong kay Gabbie. Hindi ko narinig ang sinabi ni Belle. Basta tinuro niya sina Dave at Ino na nakaupo sa may dulo ng kama habang nanonood ng TV. Umiling si Gabbie kaya may binulong ulit si Belle.
Nagulat na lang ako nang biglang humiwalay si Gabbie sa 'kin at tumabi sa mga Kuya niya. Pagkaalis niya ay si Belle naman ang umupo sa pwesto kanina ni Gabbie. Kaya siya naman ang niyakap ko habang nakasandal siya sa 'kin.
Hindi namin maintindihan ni Belle ang pinapanood ng mga bata kasi may sariling mundo na naman kami. Pinipigilan lang naming tumawa nang malakas para hindi maistorbo ang panonood nila.
"Ang haba na ulit ng hair mo," nakangusong sinabi ni Belle habang nakaharap siya sa 'kin at sinusuklay ang magulo kong buhok.
"You want me to have a haircut?"
Umiling siya agad. Ayaw na ayaw akong pagupitan. "Tsaka ka na magpa-trim ulit pag-uwi natin from Hongkong. For the mean time, ayusin ko hair mo."
Oh no! I can sense a bad spirit from here. Bigla akong kinabahan. Lalo na noong tumayo si Belle at lumapit sa vanity table niya. Pagbalik niya, napakamot na lang ako sa ulo nang makita ang mga hawak niyang suklay at mga girly stuff na nilalagay sa buhok.