I woke up feeling tired and exhausted. Feeling ko, hindi ko kayang bumangon ngayon. Parang gusto ko na lang humiga rito hanggang gabi. Ganoon kapagod ang katawan at kaluluwa ko.
Gumalaw ako nang bahagya kahit nakapikit pa. Kaya naman, nagulat ako nang biglang may umungot. Mabilis tuloy akong napamulat! Mukha agad ni Donny ang bumungad sa 'kin. Nakapikit pa siya pero mukhang hindi naman ganoon kalalim ang tulog niya. Nakapatong pa ang braso niya sa bewang ko. Kaya pala parang may mabigat akong nararamdaman sa katawan ko! Braso niya pala 'yun!
Inisip ko pa kung bakit kami magkatabing natulog? Tapos naalala ko, kinasal na nga pala kami kagabi. We're already married! Aaahhh, finally! Hindi na ako malulungkot kapag namimiss ko siya at gusto ko siyang makita. Kasi araw-araw ko na siyang makikita at araw-araw na kaming magkasama!
Gumalaw ulit ako nang bahagya. Umayos ako ng pwesto ko. Nakaharap kasi ako kay Donny, eh. Tumihaya lang ako kasi ang sakit ng likod ko.
Huminga nang malalim si Donny at tuluyan nang yumakap sa bewang ko. "Ang likot naman."
Kinagat ko ang labi ko at tumawa nang walang tunog. "Sorry."
Hindi na siya sumagot kasi mukhang natulog ulit siya. Since hindi rin naman ako makaalis sa kama dahil ayoko rin namang bumangon pa, inabot ko na lang ang phone ko. Ngayon ko pa lang marereply-an lahat ng messages sa 'kin kagabi. Sinipag ako mag-reply ngayon kaya lahat talaga ay nireply-an ko. I even posted a picture of Donny and I on my social media accounts. Grabe, binaha ng comments 'yung wedding picture namin!
Tumatawa ako nang mahina habang binabasa 'yung mga usapan sa group chat ng mga kaibigan namin. Nagvo-volunteer na kasi sina Jim na Ninong daw sila. Pinaguusapan tuloy nila kung anong ituturo nila sa 'inaanak' nila kung kukunin ko silang mga Ninong at Ninang.
Masyado akong natuwa sa pagbabasa kaya napalakas 'yung tawa ko. Kaya ayun, nagising na nang tuluyan si Donny. Hehe!
"Ang likot na nga, tawa pa nang tawa," bulong niya.
Nilingon ko siya at nakitang nakamulat na ang mga mata niya. Natawa ako. "Sina buddy kasi. Ang iingay sa group chat."
Nilapit niya ang katawan niya sa 'kin at niyakap ako nang mahigpit. Nakikiliti ako sa hininga niya na nararamdaman ko sa leeg ko. Lakas pa naman ng kiliti ko sa leeg.
Tumawa muna siya bago nagsalita. "Good morning!"
"Good morning!" bati ko rin. Nilagay ko na ulit sa side table 'yung phone ko kaya pinatong ko na lang ang mga kamay ko sa braso niyang nakayakap sa bewang ko.
"Where's my good morning kiss?"
Luh, adik 'to. Kailangan ba may ganoon?
"Uso pa ba 'yun?"
Pero imbes na sumagot, bumangon siya nang bahagya at tinapat ang mukha niya sa mukha ko. Ilalapit na sana niya ang labi niya sa labi ko pero tinakpan ko ang bibig ko.
Kumunot ang noo niya. "Why?"
"Hindi pa ako nagto-toothbrush!"
"Hindi pa rin naman ako nagto-toothbrush!" sagot niya na parang natatawa pa. "Tsaka normal sa mag-asawa ang mag-kiss kahit hindi pa nagto-toothbrush!"
Natawa na lang ako. Talagang pinaglaban niya 'tong good morning kiss na 'to. Ang dami niya pang sinabi. Naririndi na ako kaya pinatigil ko na siya sa pagsasalita. Pero ayaw pa rin niya tumigil. Kaya ako na ang humalik sa kaniya. Ang daldal, eh!
Natigilan naman siya sa pagsasalita at ngumisi pa sa 'kin na parang baliw. "Mamaya, ha, good afternoon kiss naman."
Hinampas ko siya sa braso. "Walang ganoon! Pauso ka talaga!"