Napatakip ako nang bibig nang maramdaman kong masusuka na naman ako. Naluluha na nga ako tuwing nasusuka ako. Tapos nakaka-stress pa kasi wala namang lumabas! Pakiramdam ko, iluluwa ko na lahat ng internal organs ko pero wala namang lumalabas sa bibig ko!
Huminga ako nang malalim noong medyo kumalma na ang pakiramdam ko. Buti na lang, malapit lang sa kinatatayuan ko 'yung water dispenser. Kahit nanghihina ako, pinilit ko pa ring maka-inom kasi parang natutuyo na ang lalamunan ko.
Pagkatapos ko naman uminom ay parang nahimasmasan na ako. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko kumpara kanina. Kaya inayos ko muna ang sarili ko bago ko binalikan si Dave sa pwesto namin kanina.
Pagkakita niya pa lang sa 'kin ay tumakbo na siya papunta sa 'kin.
"Mommy!"
Binigay niya sa 'kin ang phone ko bago siya tumakbo ulit sa kinauupuan namin kanina. Magda-drawing na naman yata ulit siya ng mga donuts.
Tiningnan ko ang phone ko at napakunot ang noo ko nang makitang nasa kabilang linya pa rin si Donny. Sa phone niya lang kausap si Donny kanina. Marunong na siyang tumawag at sumagot ng tawag pero sa 'kin at kay Donny lang.
Umupo muna ako sa sofa bago ko kinausap si Donny.
"Donny?"
[Belinda?!]
Nilayo ko agad ang phone ko mula sa tenga ko. Sinaniban ba siya ng kaluluwa ni Criza?! Kaloka!
"What?"
['Wag mo akong wina-what, ha! I'm so worried! What happened to you?!]
Hindi ko alam kung tatawa ba ako sa reaction niya o ano? Gaganiyan-ganiyan siya ngayon, tapos mamaya kapag nalaman na niya ang 'posibleng' dahilan kung bakit ako nagsuka kanina, baka magpa-party pa siya rito!
Nagkibit-balikat ako kahit hindi niya nakikita. "I don't know..."
[Ang daming nangyayari sa 'yo lately! Pag-uwi ko, dadalhin agad kita sa hospital! Magpapacheck-up ka sa ayaw at sa gusto mo!]
Pinakinggan ko na lang ang mga sinasabi niya habang pinapanood ko ang pagda-drawing ni Dave. Pinapakita niya pa sa 'kin ang drawing niya. Jusko po, bakit sabay pa silang nagsasalita?!
[Belle, are you listening?!]
Sakto namang bumalik sa pagda-drawing si Dave kaya kay Donny naman ako nakinig ngayon.
"Yes. Pauwi ka na ba?"
[Opo, pauwi na ako. Do you want anything ba? How about Dave?]
Biglang kumalma ang boses niya. Buang yata 'to. Charot! Mas gusto ko na kalmado lang siya. Baka ma-stress lang ako kapag lagi siyang galit at sa labas ng bahay ko pa siya patulugin.
"Dave, what do you want daw?" tanong ko sa anak kong triangle naman ngayon ang dina-drawing. Mukhang handang-handa na talaga pumasok sa School ang baby ko! Sus, tatamarin ka rin pumasok sa future! Char!
Nilingon niya ako. "I want fries, Daddy!]
Tumawa ako. Tama 'yan, anak! Gusto ko rin ng fries!
"Narinig mo 'yun? Gusto niya raw ng fries!"
Natawa rin si Donny. Narinig niya siguro ang sinabi ni Dave.
[Okay, I'll buy fries for my baby. How about my other baby?]
Other baby? You mean the baby inside my tummy? Chos! Hindi pa ako sigurado pero mag-stream kayo ng 'Sigurado' ko at 'Wings' ni Donny Pangilinan. Stream! Stream!
Kinagat ko ang labi ko. Ayokong bigyan siya agad ng idea, pero kailangan ko magpabili no'n! Wala naman akong mautusan dito dahil umalis sila Ate Mei kanina at may pinagawa ako. Bahala na nga!