DONNY'S POV
Belle passed out right after screaming in pain while pointing at her lower abdomen. Hirap na hirap akong tingnan siya na ganoon. At pagkatapos nga noon ay nawalan siya ng malay. Kahit nanghihina ako at nanginginig ang nga kamay ko, I gave in my remaining energy to carry her immediately. I need to bring her to the hospital as soon as possible!
As much as I wanted to be quick, kailangan kong mag-ingat sa pagbaba ng hagdan. Baka imbes na si Belle lang ang dadalhin sa hospital, maging dalawa na kami kapag tumakbo ako habang pababa ng hagdan.
Habang kinakalma ko ang sarili ko while going down the stairs, nakita ko sa peripheral vision ko na may mga tao sa sala. Nandoon yata 'yung tatlong bata. At alam ko ring nandoon sina Ate Mei dahil naririnig ko ang pagpapanic nila.
Sabay silang nagsasalita kaya hindi ko alam kung sinong kakausapin ko. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Basta sinabi ko na lang na sila muna ang bahala sa mga bata at sa bahay. Pinatawag ko na rin si Kuya Carlos kasi hindi ko kakayanin magdrive!
Nasa labas na kami ng bahay noong narinig ko ang iyak nila Gabbie at Ino. They're both calling their Mommy. Don't worry, kids. Nothing bad will happen to your Mom. I promise that. Sasakalin ko 'yung Author neto kapag may nangyaring masama kay Belle.
Tiningnan ko muna 'yung mga bata. Gusto ko silang patahanin at sabihan na magiging okay din ang lahat. Pero nakita kong si Dave na ang gumagawa noon sa mga kapatid niya. Dave really grown up to be a responsible son and brother. I'm proud.
Habang papunta na kami sa hospital, yakap-yakap ko lang si Belle. Wala pa rin siyang malay at pinagpapawisan siya ng malamig. Namumutla rin siya kaya lalo akong kinakabahan. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya. Mababaliw na ako!
Kahit nanginginig ang mga kamay ko, pinilit kong tawagan sina Mommy. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Basta sinabi ko lang na papunta kaming hospital ngayon. Tinawagan ko rin si Dave.
[Daddy?]
"Dave, anak, listen to me. We're going to the hospital right now. Ikaw na munang bahala sa mga kapatid mo, ha? Tell them that Mommy's gonna be okay. She's okay. You don't need to worry, she'll be fine."
[Yes, Daddy. Mommy will be fine. Ako na pong bahala kay Gabbie and Ino.]
Nang makita kong nasa hospital na kami, nagpaalam na ako agad kay Dave at sinabihan silang mag-iingat sila roon.
Ako na ang naglagay kay Belle sa stretcher. Wala pa rin siyang malay hanggang ngayon. Gusto ko na maiyak pero pinipigilan ko. I need to be strong. Kasi alam kong hinang-hina si Belle ngayon at sa 'kin siya kukuha ng lakas.
Pinasok na si Belle sa emergency room. Hindi rin naman ako pinapasok sa loob. Tapos inabutan pa nila ako ng form na kailangan kong sagutan. Nanginginig pa ang mga kamay ko, hindi ko pa kayang magsulat.
Habang nakaupo ako sa waiting area, biglang dumating ang mga parents namin. Our Mom's are crying while asking me what happened to Belle. Noong nakita ko silang umiiyak, naiyak na rin ako. Hindi ko na napigila 'yung pinipigilan kong mga luha kanina.
Sina Mommy 'yung yumakap sa 'kin habang paulit-ulit nilang sinasabi na strong si Belle. Strong talaga 'yun. Baby ko 'yun, eh. Kaya Belle, show us kung gaano ka ka-strong. You can do this, mahal.
Napatigil lang ako sa pag-iisip nang may lumabas na Doctor. Tumayo agad kami nang naglakad siya palapit sa 'min.
[Warning: I'm not that good with medical terms, so bare with me. Nanghuhula lang ako. Charot! Bigyan niyo ako ng chance. Hahaha! - xxxluhanxxx]