68: Basketball

807 22 15
                                    

Kanina ko pa hinahanap sila Donny, nandito lang pala sila sa kwarto namin. Nanonood sila ng TV at masyado silang tutok sa pinapanood nila kaya hindi na nila pinansin ang pagpasok ko. Si Dave, nakahiga lang sa couch. Sina Ino at Gabbie naman, nakadapa lang sa kama habang nasa likod nila si Donny na nakasandal sa headboard.

"Nandito lang pala kayo," sabi ko habang umuupo sa tabi ni Donny.

Lumingon siya sa 'kin at hinila ako para sa kaniya ako sumandal. "Saan ka ba galing?"

"Sa labas lang."

Tiningnan ko lang kasi 'yung mga halaman sa labas ng gate. Tapos napadaan naman 'yung mga kapitbahay namin. Edi ayun, nakipagkwentuhan muna ako.

Habang nanonood sila ng TV, nagpo-phone lang ako. Hindi ko na maintindihan 'yung pinapanood nila kasi hindi ko naman nasimulan. Kaya tumambay muna ako sa Tiktok. Puro si Joao na naman ang laman ng fyp ko.

Nilingon ko si Donny at pinakita sa kaniya ang pinapanood kong paggawa ng lumpiang shanghai. "Ang sarap ng lumpiang shanghai. Bili ka."

Tumingin sa 'kin si Donny at natawa. "Sige, mamaya."

"Pero gusto ko 'yung lumpiang shanghai na galing sa handaan sa fiesta."

Parang iba kasi 'yung sarap ng lumpiang shanghai kapag galing sa fiesta. Hindi ako naglilihi, ha! Namimiss ko lang kumain ng lumpiang shanghai sa fiesta!

Dahil nakasandal ako kay Donny, nararamdaman ko ang pagtawa niya. "Alam mo, sa lahat ng may saltik, ikaw ang paborito ko."

Umayos ako ng upo at hinarap siya nang masama ang tingin ko. Tawang-tawa na naman siya sa reaction ko.

"Hoy, wala akong saltik!" angal ko sabay hampas sa kaniya. "Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o maiinsulto sa sinabi mo, eh!"

"Sige nga! May matino bang tao na magca-crave ng lumpiang shanghai pero dapat ay galing sa fiesta?" natatawa niyang tanong. "Unless buntis ka at naglilihi ka?"

Mas lalo ko siyang hinampas. "Hindi! Gusto ko lang talaga ng lumpia! Bakit napunta ka na naman sa paglilihi?"

Takteng asawa 'to! Lagi na lang kapag may cravings ako, iisipin lagi na naglilihi ako. Uupakan ko na 'to, eh!

"Bakit kasi kailangan pa na galing fiesta?" natatawa niyang tanong.

"Iba kasi 'yung sarap ng lumpiang shanghai sa fiesta! Hindi mo kasi ako maiintindihan dahil kapag napunta naman tayo sa fiesta, sa babaeng pinsan ka ng classmate natin nakatingin!"

Natawa siya at nanlaki ang mata. "Huy, si Miah lang 'yon! Good boy ako, 'no! Kahit noong hindi pa tayo, loyal na ako sa 'yo!"

Hah, alam ko naman 'yon. Ang haba lang ng hair ko. Sabunutan niyo nga ako!

Magsasalita pa sana ako kung hindi lang ako naunahan ni Ino. Nakatingin siya sa 'min at masama pa ang tingin. "Mommy, Daddy, you're so noisy."

"Si Mommy kasi, ang ingay!" sabi naman ni Donny sabay turo sa 'kin. Ay, ako lang ba?! Ayos siya, ah!

Inirapan ko na lang si Donny at hinarap si Ino na nakakunot pa rin ang noo. "I'm sorry, baby. We'll be quiet na."

Nang ibalik na ni Ino ang paningin niya sa pinapanood nila, mahina kong hinampas si Donny. Nagsisisihan pa kami kung sinong maingay sa 'ming dalawa. Pero nagbubulungan na lang kami at baka masermonan na kami ni Ino.

Habang busy sa panonood 'yung tatlo, naghaharutan muna kami rito sa likod nila. Magulat na lang sila, apat na sila next month. Charot! Eto kasing si Donny, kapag nanghaharot, mahahawa ka, eh! Hanggang sa magugulat ka na lang, nalaglag ka na sa patibong niya!

The next Big Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon