"Bakit kayo nakasimangot? Hindi ba kayo masaya na konting kembot na lang, ga-graduate na tayo?!" tanong sa 'min ni Limer habang nakapila kami rito sa labas ng testing center eklabu.
Clearance day kasi ngayon para sa lahat ng graduating students. Alam niyo naman kapag pirmahan ng clearance, halos lahat ng offices sa School ay kailangan pumirma sa clearance mo. Kaya eto, kung saan-saan kami napapadpad para mapirmahan ang clearance namin. 'Yung iba nga naming napuntahan na office, ngayon lang namin nalaman na may ganoong office pala sa School. Kaloka!
"Masaya kaya kami!" sagot naman ni Criza. Humampas pa siya sa braso ni Limer. Hindi pa nakuntento roon at nanulak pa!
"Kapag masaya, kailangan manakit at manulak?" reklamo tuloy ni Limer sa kaniya. Natawa na lang ako. Hay nako, nagbangayan na naman 'yung dalawa.
"Masaya rin ako! Pero mamimiss ko rin 'tong School, syempre. Ang pagpasok ko araw-araw," sagot naman ni Jim. Humikbi pa siya at umarteng umiiyak.
"Pwede ka namang hindi gumraduate, buddy. Kausapin namin si Dean para sa 'yo," natatawang sagot ni Limer.
"Oo nga. Ibalik ka muna nila sa 1st year college," dagdag ko pa.
Umismid naman sa 'min si Jim. "Kayo naman, hindi na mabiro! Joke lang 'yun!"
Medyo mahaba ang pila rito kaya nagkwentuhan na lang kami tungkol sa kung ano-ano. Nakaka-inip pumila at maghintay pero kung ang mga 'to naman ang kasama mo, maiihi ka na lang kakatawa.
Ano ba 'yan! Nagiging ma-drama pa ako! Mamimiss ko kasi 'to! Syempre, kapag gumraduate na kami, hindi na kami araw-araw magkikita-kita. Mamimiss ko ang mga bardagulan sa room. Mamimiss ko ang nakakairitang boses nila Criza, Limer, Jim, at Gello kapag nagbabangayan sila. Mamimiss ko ang mga "ayieee" nila kapag inaasar nila kami ni Donny. Char, kasama talaga 'yon?
"Noong first year nga tayo, akala ko talaga english speaking si Limer, eh! May accent ba naman noong kinausap ko!" pagkekwento ni Jim.
Natawa naman si Limer. Napatakip pa siya sa bibig niya. "Ano ka ba?! Peppa pig accent kasi 'yon!"
"Sa true lang! Akala ko rin talaga, english speaking 'yang si Limer! Sabi ko sa sarili ko, 'Uy, matalino! Tatabihan ko nga 'to sa exam!', pero noong tumagal naman, sabay lang kaming nangongopya kay Belle!" sagot naman ni Criza. Kapag talaga siya ang nagsasalita, pati 'yung ibang mga tao, nakikinig sa sinasabi niya. Pang-malakasan ang boses niyan, eh!
Natawa ulit si Limer. Namumula na siya. Siguro hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa mga narinig niya o mahihiya siya? "Bakit ba ganito ang mga pinaguusapan natin?"
"Malapit na nga kasi tayong gumraduate kaya mag-reminisce tayo ng mga memories," sagot naman ni Jim.
"Sige nga, spell reminisce, buddy!" sabat ni Gello.
Huminga nang malalim si Jim at tumingin sa taas na parang nag-iisip. Natawa na lang kami nang magkunwari siyang nahimatay. Yumakap pa siya kay Gello at muntik na silang matumba.
"Pero kumusta naman si Belle na 4 years nating Class President?" natatawang sinabi ni Vivoree. Ayan, naalala ko tuloy ang mga stress na naramdaman ko sa 4 years na 'yon!
"Si Criza talaga ang may kasalanan, eh," sabi ko habang masama ang tingin kay Criza. Nag-peace sign lang si bruha sa 'kin.
Siya kasi ang nag-nominate sa 'kin noong 1st year college kami! That time, hindi pa namin kilala ang isa't-isa. Tinuro lang ako ni Criza noong ninominate niya ako! Mukha raw kasi akong huwarang mag-aaral. Bwiset!
At dahil wala pa rin namang magkakakilala sa section namin noong panahong 'yon, sumang-ayon na lang silang lahat kay Criza! At simula noon, ako na lagi ang tinuturo nila kapag usapang Class President! Lintek na mga classmates 'to!