65: Biogesic

969 20 10
                                    

Note: Fast forward na. Hindi ko na ilalagay ang panganganak scene kasi hindi talaga ako marunong sa scene na 'yon, sorry na. Hahaha! Basta nanganak na si Belle kay Gabbie at healthy silang dalawa. Kung paano ang panganganak scene kay Dave at Ino, ganoon din naman kay Gabbie. Oki? Oki. Thanks! :)

---

"Belle, kamukhang-kamukha mo talaga si baby! Ganitong-ganito ka noong baby ka!"

Hindi ko na alam kung ilang beses na 'yan sinabi ni Donny. Noong una niyang nakita si Gabbie, sinabi na niya 'yon. Ngayon na pauwi na kami dahil na-discharge na kami sa hospital, sinabi niya ulit.

"Alam mo, paulit-ulit ka," sabi ko habang zini-zipper 'yung bag namin. Nakatayo lang si Donny sa gilid habang karga si Gabbie. Ayaw na niya bitawan 'yung bata. Nag-agawan pa kami niyan noong isang araw! Napagalitan tuloy kami ni Mommy!

"Totoo naman kasi! Ganitong-ganito talaga 'yung itsura mo noong baby ka!"

Gising siguro si Gabbie kaya salita nang salita 'tong si Donny. Pero kung tulog siya at magigising siya dahil sa boses ni Donny, sa labas ko patutulugin ang Daddy niya. Chos!

Humarap ako sa kanila. "Makapagsalita ka naman diyan, parang nandoon ka noong pinanganak ako!"

Dahil sa sinabi ko, sinamaan ako ng tingin ni Donny. Natawa tuloy ako. "Baby, narinig mo 'yun? Ganoon sumagot ang Mommy mo. 'Wag kong gagayahin 'yon, ah?"

Aba, sinisiraan niya pa ako kay Gabbie! Babatuhin ko sana siya ng neck pillow pero iniisip ko na matatamaan si Gabbie kaya hindi ko na tinuloy. Mamaya siya sa 'kin. Rawr! Charot!

"Dami mong alam! Akin na nga si baby! Kami naman ang magkamukha kaya kami dapat ang laging magkasama!" pang-aasar ko.

Lumapit naman si Donny sa 'kin at binigay si Gabbie. Aba, gising nga ang baby ko.

"May baby girl na tayo, Belle! Sana hindi mo maging kasing sungit 'yan!"

Siniko ko siya dahil sa sinabi niya. Nakatayo lang siya sa gilid ko habang naka-upo naman ako sa kama. "Hindi nga ako masungit!"

"Suplada lang?" natatawa niyang tanong.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Isa pa, Donny!"

Tawang-tawa na naman siya dahil naiinis na naman ako. Bwiset! "Joke lang! Love you!"

Habang hinihintay namin sila Daddy na susundo sa 'min, nakipaglaro na lang muna kami kay Gabbie. 'Yun nga lang, tinulugan niya lang kami. Hindi yata siya natutuwa sa 'min. Char!

Noong dumating na sila Daddy, tumayo na rin kami at lumabas para makauwi na kami. Miss ko na rin 'yung dalawang bagets! Excited na ako sa reaction nila mamaya kapag nakita na nila ang baby sister nila.

Sa sasakyan, kinuha muna ni Donny si Gabbie kasi inaantok ako. Baka bigla ko na lang siya mabitawan, eh. Kaya sa byahe, nakatulog na ako. Natulog akong nakasandal ang ulo ko sa katabi kong bintana pero nagising ako na nakasandal na ang ulo ko sa balikat ni Donny. Nangalay na siguro siya. Karga niya sa kabilang braso si Gabbie tapos ginawa ko namang unan ang kabila niyang braso. Okay lang 'yun, may biceps naman siya. Charot!

Pagdating pa lang namin sa bahay, tuwang-tuwa na agad kaming sinalubong nina Dave at Ino. Si Ino, dumiretso agad sa Daddy niya at hinihigit ang damit ni Donny. Gustong-gusto na makita si Gabbie. Si Dave naman, sa 'kin dumiretso. Namiss niya raw ako. Lokong Ino talaga 'to! Ni hindi man lang ako pinansin! Kukutusan ko 'to, eh!

The next Big Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon