95: Paper Dance

784 24 11
                                    

"Mommy, when will you teach me how to drive?"

Ramdam kong gustong-gusto na matuto mag-drive ni Dave. Lagi niyang tinatanong 'yon tuwing magkasama kami tapos nagda-drive ako. Parang ngayon. Sumama kasi siya sa 'kin para mag-grocery. Ang magaling kasi niyang Daddy, ang hirap gisingin! Nainis na ako kaya hinayaan ko na lang siyang matulog. Sakto namang paglabas ko ng room namin ay nakasalubong ko si Dave. Tinanong niya kung saan ako pupunta at kung kasama ko ba ang Daddy niya. Noong nalaman niya mag-isa lang ako, siya na lang daw ang sasama sa 'kin. Aw, ang sweet talaga ng bebe ko! Manang-mana sa 'kin!

"Gusto mo, ngayon na, eh!"

Sa una lang naman masaya mag-drive. Noong una akong natutong mag-drive, ang saya saya ko. Noong tumagal na at ginawa na akong driver ni Mommy tuwing pupunta siya sa mga Amiga niya, hindi na ako natutuwa.

"Really, Mommy?" tanong agad ni Dave. Naniwala ka naman sa 'kin, anak? Gusto mong batukan ako ng Daddy mo, ha?

"Eme!" pang-aasar ko. "Hindi pwede. Sabi ni Daddy mo, 'di ba, tuturuan ka niyang mag-drive kapag 18 ka na."

Bumuntong-hininga si Dave kaya natawa ako. "4 years pa po."

Natawa na lang ako. Chill ka lang diyan, Dave. Kapag natuto ka na mag-drive at may license ka na rin, ikaw na palagi ang kukulitin ko. Sa 'yo ako lagi magpapahatid. Wahaha! #GantiNgIsangApiCharot

Habang nakatigil kami dahil sa red light, biglang tumunog ang phone ko. Akala ko, si Donny na at gising na siya. Pero hindi pala siya ang nag-chat. Hindi si Donny, pero nakakabwiset din ang taong 'to.

Criza:

MAAAARS

Belle:

ano?

Criza:

MAY EXTRA LOAD KA BA MARS?

KAHIT 3 PESOS LANG OH WAG MO NA IPAGDAMOT SAKIN TO 😭

Natatandaan mo ba noong college tayo? Sinasamahan kita lagi pumunta sa department ng mga prof natin para magpasa ng mga activities natin

Tapos noong nagpaprint ka sakin ng syllabus kasi nasira yung printer mo sa bahay, hindi na kita siningil non kahit ilang page yon dahil mahal kita

Tapos kapag exam, pinagtatasa pa kita ng lapis. Noong hindi ka pa naka-mechanical pencil

Belle:

dami mo namang sinabi bwiset ka HAHAHAHA

papasahan naman siya eh 😠

Criza:

WAHAHAHAHAHA BUTI NAMAN

Akala ko, kailangan ko pang sabihin na hawak ko ang pamilya mo!!!! Char!!

Belle:

ewan ko sayo!!!

3 pesos lang ba talaga?

Criza:

OO 3 PESOS LANG NAMERN

Belle:

The next Big Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon