51: Dunkin' Donut

1K 24 10
                                    

"Babe!"

Habang nakatayo ako sa harap ng salamin at tinitingnan ang sarili ko, biglang pumasok si Donny ng walk-in closet. Tiningnan ko siya mula sa salamin. Nakabihis na rin siya pero 'yung necktie niya, hawak niya lang. Mukhang alam ko na kung bakit niya ako pinuntahan dito.

"What?"

Hindi siya sumagot. Binigay niya lang 'yung necktie niya sa 'kin. Tapos inayos niya rin 'yung collar ng polo niya para mailagay ko na ang necktie niya.

"Sabi ko naman kasi sa 'yo, tuturuan na kita maglagay ng necktie!"

"Ayoko nga! Gusto ko, ikaw lagi maglalagay ng necktie ko."

Umirap ako. "Napaka-arte mo talaga!"

Tumawa siya at umupo na sa couch para mailagay ko na ang necktie niya. Madali lang naman 'to matutunan, ayaw niya lang talagang alamin kung paano. O baka naman alam naman niya kung paano, nagpapabebe lang siya sa 'kin!

"'Wag mo naman higpitan masyado, ha."

Pagkasabi niya noon ay pabiro kong hinigpitan ang necktie niya. Napahawak na lang siya sa kamay ko, eh. Sinamaan niya ako ng tingin habang tumatawa ako dahil sa reaction niya.

"Hindi ko naman hihigpitan!"

"Hinigpitan mo na!" sagot niya. "Sakalin kita, eh!"

Napatigil ako sa ginagawa ko at tiningnan siya nang masama. "Ah, talaga?"

Ngumisi naman siya at niyakap ako sa bewang. "Sakalin ng pagmamahal. Yiee!"

Parang timang talaga, eh. Siya rin 'yung kinilig sa sinabi niya. Banat niya, kilig niya!

Ngumiwi ako. "Ewan ko sa 'yo!"

"Bakit? Hindi ka ba kinilig? Noong mag-boyfriend pa lang tayo, lagi kang kinikilig sa 'kin! Tapos ngayong mag-asawa na tayo at magkaka-tatlong anak, hindi ka na kinikilig?!"

Napapikit na lang ako at tumawa sa isip. Minsan talaga, hindi ko kinakaya 'yung topak ni Donny. Pwede bang i-stapler ko muna bibig niya kahit ngayong araw lang?

"Wala akong sinabing hindi na ako kinikilig, ha!"

Tapos ko na ayusin ang necktie niya pero hindi naman ako makaalis dahil nakayakap pa rin siya sa bewang ko. Dinikit niya ang ulo niya sa tiyan ko at tuluyan na akong niyakap.

"'Wag na tayo pumunta sa kasal nila Rhys. Gusto ko, nakaganito na lang ako buong araw."

Tumawa ako at hinampas siya nang mahina sa likod. "Loko ka! Gusto mo bang habang-buhay na magtampo si Kaori sa 'kin dahil hindi ako pumunta sa kasal nila?"

Kakaloka pa ang dalawang 'yon! Wala kami idea na sila ang sunod na ikakasal. Akala ko, sina Criza na! Tapos etong si Rhys, mas handa pa sa boy scout, eh! Noong nagpropose pa lang siya kay Rhys, prepared na rin agad ang kasal nila! Approval na lang ni Kaori ang kailangan! Ang bangis talaga ng mga manok ko!

Ilang minuto pa kaming ganoon ang ayos bago ko napilit si Donny na tumayo na. Medyo maaga pa naman at hindi pa naman kami mala-late. Pero feeling ko, late na kami dahil sa sunod-sunod na tawag nila Criza sa 'kin!

Blue and motif ng wedding nila Kaori kaya parehong blue ang damit namin ni Dons. Hindi nga lang magkakulay dahil magkaibang shade of blue ang kulay ng mga damit namin.

Pagdating namin sa Church, medyo marami ng tao. Nakita namin agad sina Criza na nagpi-pictorial sa fountain na nasa harap ng Church.

"Mars!" bati agad ni Criza noong nakita niya kaming papalapit sa kanila.

"Bakit Mars? Mukha bang planeta si Belle?" natatawang tanong ni Joao.

"Mas mukha siyang mundo," sagot naman ni Donny habang nakahawak sa bewang ko. "Mundo ko."

The next Big Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon