Note: Dahil hindi naman pwedeng lagi tayong masaya rito, kailangan may mamatay--- charot!
---
BELLE'S POV
At nagbabalik na nga ang inyong likod, Belinda Mariano-Pangilinan, number 10 sa balota!
Umaga pa lang ay ang ingay na rito sa bahay. Bumisita kasi sina Mommy kanina. Galing daw sila sa kaibigan nila na malapit lang dito kaya dumiretso na rin sila rito para bisitahin ang mga apo nila. Grabe, mga apo na lang talaga ang naaalala nila!
"Mommy, hindi mo man lang ba ako namiss?" tanong ko kay Mommy habang nakikipaglaro siya kay Gabbie. Siya lang naman ang natutuwa roon dahil mukha namang hindi masaya si Gabbie sa nakikita niya.
Tinigil ni Mommy ang ginagawa niya at tiningnan ako na parang nandiri siya sa tanong ko. Grabe! "May asawa ka na, sa kaniya ka magpalambing at 'wag na sa 'kin."
Sinamaan ko ng tingin si Mommy at mahina siyang hinampas sa braso. Sakto namang lumabas si Donny mula sa kitchen kaya tinawag ko siya at pinaupo sa tabi ko. Mas masaya namam yakapin si Donny kay Mommy, 'no! Si Donny, mabango! Si Mommy, mabango rin naman. Pero amoy mabangong matanda. Chos!
"I'm hungry," bulong ko kay Donny.
Kumunot naman ang noo ni Donato Antonio. "Huh? Kakakain mo lang, ah?"
Ngumiwi ako. "Hindi ako masaya sa kinain ko kanina."
"Bakit parang kasalanan pa ng Chowking na hindi ka masaya sa kinain mo?" natatawa naman niyang tanong.
"Masarap naman 'yung kinain ko kanina. Nagugutom lang talaga ako ulit."
Tumawa naman si Donny at niyakap ulit ako. Lagi na lang niya inaamoy ang buhok ko. Naiinggit yata siya sa amoy. Hah, magshampoo ka kasi! Wisik-wisik lang kasi ginagawa niya, eh. Charot! Naliligo naman daw siyang tunay, sabi niya.
"Okay, anong food ang gusto mo kainin this time?"
"Hmm, waffle?"
Nakakita kasi ako ng waffle sa Tiktok kanina. Tapos naaamoy ko pa 'yung bagong lutong waffle kahit sa picture ko lang tinitignan 'yung waffle.
"Sige, hahanap akong waffle for you."
"Gusto ko 'yung sa Dunkin' Donut na waffle."
Nagtataka niya akong tiningnan. "Dunkin' Donut na naman? Alam mo, konti na lang, kukunin na akong endorser ng Dunkin' Donut kasi halos araw-araw akong nabili sa kanila."
Sumimangot ako. "Gusto ko lang naman i-try 'yung waffle nila."
Hinawakan ni Donny ang baba ko at tiningnan ako sa mata. "O, 'wag ka na sad. Bibili naman ako, eh. 'Di ba, sabi ko nga, 'basta ikaw, nanginginig pa'."
Natawa naman ako sa sinabi niya. Ang daming alam. Tapos magtataka siya kung bakit ang daming alam ni Ino na kalokohan. Nagmana lang naman sa kaniya 'yung anak niya.
Aalis na sana si Donny para bumili ng waffle ko kung hindi lang siya pinigilan ni Mommy. Pinaupo niya ulit si Donny at kinwentuhan tungkol sa mga childhood days namin nila Ate! Ano ba naman 'tong si Mommy?! Paulit-ulit lang naman ang kinekwento niya. Tapos 'yung mga ayaw ko pang maalala 'yung sinasabi niya.