91: Clingy

995 26 7
                                    

Kanina ko pa pinipilit na gisingin si Donny. Kanina pa kasi ako gising pero hindi naman ako makabangon kasi ginawa na naman niya akong unan. Pati legs niya ay nakayakap sa 'kin. Para siyang tarsier sa itsura niya. Natawa tuloy ako mag-isa. Kung makayakap pa siya sa 'kin ay parang may aagaw sa 'kin habang tulog siya. Ang harot ng buong pagkatao ni Donny. Char!

Humarap ako kay Donny at sinundot-sundot ko ang cheeks niya. "Nato, gumising ka na."

Kumunot ang noo niya. "Belle, 'wag makulit."

Tumawa ako. "Gumising ka na," sabi ko habang tinatapik nang mahina 'yung braso niyang nakayakap sa bewang ko.

"Hmm..."

Sinundot ko ulit ang cheeks niya hanggang sa tuluyan na siyang nagising. Hinintay ko talagang imulat niya 'yung mga mata niya.

"Good morning!" energetic kong sinabi. Ngiting-ngiti pa ako habang nakatingin siya sa 'kin at inaantok pa.

Nakatingin lang siya sa 'kin. Tapos bigla siyang ngumiti at lalong hinigpitan ang yakap niya sa 'kin.

"Pagkatapos mong sirain ang tulog ko, babatiin mo ako ng 'good morning'?" natatawa niyang tanong. "Buti na lang, mahal kita. Good morning!"

May kasama pang forehead kiss 'yon. Ang harot talaga ng buong pagkatao niya. Simula paggising niya hanggang sa pagtulog niya. Pero okay lang naman, basta ako lang ang haharutin niya. 😠

Umayos ng higa si Donny kaya nakabangon na ako. Tiningnan ko siya habang nakaupo ako. Parang any minute, babalik siya sa pagtulog kapag hindi ako nakatingin. Antok na antok pa talaga siya.

"Bumangon ka na. Baka makatulog ka ulit."

Tinakpan niya ang buong mukha niya habang nagsasalita siya. Hindi ko naman maintindihan ang sinasabi niya. Pagkatapos ay nag-inat na siya ng mga braso. Ayan na naman. Para na naman siyang nagta-transform na zombie sa All of us are dead. Umabot pa ang kamay niya hanggang sa 'kin at kiniliti pa ako sa leeg! Walangyang 'to!

"Bakit kasi ang aga mong gumising?" tanong niya.

"Sunday po kaya ngayon," sagot ko na parang kasalanan niya ang lahat ng nangyayari. "Day-off sila Ate Marie. Kapag hindi ako maagang gumising, anong kakainin natin sa breakfast, ha?"

Ngumiti lang siya sa 'kin habang 'yung isang kamay niya, hinahaplos ang likod ko. "Sunday nga pala ngayon. And we're going to attend a mass this morning."

Tumango naman ako. Ngayon niya lang yata na-realize na Sunday ngayon. "Kaya bumangon ka na rin diyan!"

Bago pa ako tuluyang makatayo, humawak si Donny sa isang kamay ko at hinihit ako para mapaupo ulit ako sa kama. Ano na namang problema ng taong 'to?

"Inaantok pa ako, Tink. Gisingin mo naman ako," sabi niya habang nagpapa-cute.

Natawa ako sa itsura niya. Ang aga naman niyang mag-inarte. "Gising ka na, eh. Ano pa bang klase ng gising ang gusto mo?"

"'Yung magigising ako nang todo. 'Yung pati kaluluwa ko, gising."

"O, eh, anong gusto mong gawin ko?"

Ngumisi siya. Hindi ko gusto ang ngisi niyang 'to. Mukhang may masamang balak, eh.

"Higa ka ulit dito. 3 years old na si Sophia, gawan na natin ng kasunod--- aray!"

The next Big Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon