"Si Belle, tanungin natin!" rinig kong bulong ni Gello.
Hindi ko sila pinansin at pinagpatuloy ko ang pagre-review. Last exam na namin ngayong last day ng midterms week. Sana lang ay may maisagot ako sa Western Cuisine II mamaya kahit feeling ko, susuko na ang mga brain cells ko!
"Ayoko," sagot ko nang hindi sila tinitingnan.
Hindi ko alam kung anong pinaggagagawa nila Gello at hindi sila nagre-review. Tapos, nanggugulo pa sila sa mga nagre-review! Nakaka-distract na nga ang ingay nila, dagdag mo pa ang tawa ni Limer!
"Belle, text or call?" tanong ni Limer. Ano 'to? May pa-fast talk sila? Ano na namang trip nila sa buhay?
Lumingon ako sa kanila bago ako sumagot. Hindi nila ako titigilan hangga't hindi ako sumasagot kaya sasagot na lang ako agad!
"Call," sagot ko.
"Why?" may follow-up question pa si Joao.
I shrugged my shoulders. "Tamad ako mag-text," sagot ko.
Nagulat na lang ako nang biglang sumigaw si Criza mula sa kabila ko naman. "Witness ako sa pagiging tamad na textmate ni Belle! Mas nirereply-an ko pa nga ang parents niya kaysa sa kaniya, eh!"
"Hoy, nirereply-an ko naman sina Daddy!"
"Kapag tinadtad ka na ng mga messages," sagot ni Criza.
"Sus!" sabi ko na lang. Wala na akong maisagot, eh. Isa pa, totoo naman ang sinabi niya. Kulang na nga lang, tanggalan ako nila Daddy ng phone. Buti na lang, mahal nila ako kahit ganito ako. Wow!
"Si Belle hindi nagrereply sa 'kin!" biglang sinabi ni Donny.
Agad ko siyang nilingon. "Ha?" Minsan ko lang naman siya hindi nirereply-an, eh. Lalo na kapag nang-aasar lang siya o ayaw ko lang talagang reply-an siya.
"Joke lang!" biglang bawi ni Donny. "Wrong send lang pala."
Nanlaki ang mata ko. "Sige, ipaalala mo pa!" Lintek na wrong send 'yan! Nakakainis talaga!
Dahil tuloy sa sinabi niya, na-curious sina Limer kung ano 'yung na-wrong send thingy! Si Criza, nagdrama pa dahil hindi raw ako nagkekwento! Pahamak talaga 'tong si Donny, eh!
Hinayaan ko na lang silang kulitin nang kulitin si Donny. Basta ako, magre-review na lang ulit ako. Hindi ko pwedeng isagot ang mga sama ng loob ko at inis.
Natigil lang ulit ang pagre-review ko nang guluhin na naman ako nila Gello! Anak ng pating!
"Belle, tingin mo ba, late na natutulog si Donny?" tanong ni Limer.
Kumunot ang noo ko. "Aba, malay ko sa kaniya."
"Sa tingin mo lang!" pangungulit ni Jim.
Tiningnan ko si Donny dahil tawa siya nang tawa sa gilid. May eyebags siya kaya natutulog siguro siya ng late. Isa pa, minsan naglalaro kami ng ML sa gabi.
"Oo, naglalaro pa 'yan ng ML," sagot ko.
"Wow, alam na alam! Mag-asawa na talaga!" pang-aasar ni Limer. Ngumiwi na lang ako.
"Ikaw, Donny? Sa tingin mo, late na natutulog si Belle?" tanong naman ni Gello kay Donny.
"Oo naman! Minsan nga, inaabot kami niyan ng madaling araw sa paglalaro ng ML, eh," sagot ni Donny.
Nagsigawan naman ang mga timang. Humampas-hampas pa sina Joao sa desk. Ngayon lang ba sila nakakilala ng tao na nagpupuyat? Adik talaga ang mga 'to!
"Wow, bebe time!" sigaw ni Criza.
"Inggit ka, Criza?" tanong ni Gello.
"No," proud na sagot ni Criza. "'Di ba, honey?" tanong nqmwn niya kay Joao kaya lalong lumakas ng sigawan nila Gello.