"Hay nako! 'Pag mag-asawa talaga, lagi na lang late sa usapan!"
Kararating lang namin at 'yan agad ang bungad ni Limer. Hindi naman kami late, 'no! Maaga lang talaga sila dumating!
Tumawa muna ako. "Sorry, ha? May anak pa kasi kaming humahabol kanina!"
Natawa na lang din si Limer at mahina pa akong hinampas. "Si Gabbie?"
Tumango na lang ako at natawa. Naalala ko na naman ang pagwawala ni Gabbie kanina. Mahirap siyang patahanin pero kapag si Donny naman ang nagpapatahan sa kaniya, kumakalma na siya. May favoritism na nagaganap sa pamamahay ko! Charot!
Sabay na kaming pumasok ni Limer sa loob ng bahay nila Criza. Nagkayayaan lang kaming magkita-kita ngayon. Actually, nagyaya mag-Samgyup si Miah doon sa bagong bukas daw na nakita niya. Since preggy si Criza, ayaw siyang payagan ni Joao na sumama. Kaya ang ginawa ni Joao, sa bahay na lang daw kami mag-Samgyup para hindi na kailangang lumabas ni Criza. Taray, alagang-alaga!
Noong nakapasok na kami, tsaka ko pa lang napansin na iniwan ko pala si Donny sa labas. Nagpa-park kasi siya kanina noong nakita ko si Limer. Ang nguso na naman no'n ay aabot na naman sa Batanes.
"Belinda!" Napapikit na lang ako sa malakas na sigaw ni Criza. Parang nanununtok pa naman ng eardrums ang boses niya.
"Kalma, Criza! Baka mapaanak ka sa kasisigaw mo!" sabi naman ni Kaori na nakaupo sa tabi niya.
Natawa na lang ako at lumapit kay Criza. Medyo malaki na ang tiyan niya kaya nakaupo na lang siya. This month na rin yata ang due niya, eh. Lalabas na si baby Dimagiba!
"How are you?" tanong ko kay Criza habang nakayakap siya sa 'kin.
"Okay lang!" energetic niyang sagot. Pinaglihi talaga 'to sa Enervon, eh. "Teka, bakit mag-isa ka lang?! Magkaaway na naman ba kayo ni Donny?! Nilayasan mo na naman siya?! Bakit lumayas ka na naman?! Paano 'yung mga bata?! Nako naman, Belinda!"
Self, kalma. Buntis 'yang kausap mo. 'Wag mong tatadyakan 'yan.
"Ewan ko sa 'yo. Nasa labas lang si Donny, nagpa-park ng sasakyan."
Sakto namang pumasok si Donny. Dala niya rin ang bag ko. Nakalimutan ko pala 'yun sa sasakyan. Kasalanan ni Limer 'to!
"Iniwan mo 'ko!" nakangusong sinabi ni Donny nang makita ako. Sabi na nga ba!
"Si Limer may kasalanan."
Hindi ko alam na nasa paligid lang pala si Limer at narinig niya ang sinabi ko. "Leche ka, Belinda! Bakit ako?!"
Tinawanan ko na lang siya at nilapitan si Donny. Kinuha ko mula sa kaniya 'yung bag ko at nilagay ko lang sa gilid. Ayaw niya pa nga sana ibigay at mukhang feel na feel ang bag ko sa balikat niya. Kinuha ko na lang 'yung mga phones namin bago ko iniwan 'yung bag ko sa isang tabi.
Pinuntahan namin sila Joao na nagseset-up na sa veranda. Pinaupo agad namin ni Kaori si Criza sa isang tabi at baka mapagod. Lagot kami kay Joao kapag napagod si Criza! Tinutukan pa namin siya ng electric fan at baka mainitan siya. Lagot din kami kay Joao kapag nainitan siya!
Nang makita naming comfortable na si Criza sa pwesto niya, tumulong naman kami sa mga kaibigan namin. Malapit na rin naman matapos ang pagseset-up kaya makakakain na rin kami. Ang tagal na kaya ng huling Samgyup ko! Tapos 'pag nagsa-Samgyup pa kami, kami lang ni Donny ang nag-eenjoy! Si Dave, medyo nag-eenjoy naman. Pero si Ino at Gabbie, hindi.
"Lagay mo, 'Eating grapes kasi delikado ang aking grades'," rinig kong sinabi ni Miah. Paglingon ko, kausap niya pala si Johanne. Nagsusulat 'yung bata habang nasa gilid niya sina Miah at Jim na tumatawa. Kung ano-ano na namang tinuturo ng dalawang 'to sa bata!
![](https://img.wattpad.com/cover/269357557-288-k645412.jpg)