BELLE'S POV
Nakatungo lang ako sa sink habang pinapakiramdaman ko 'yung sarili ko kung masusuka ba ako ulit. Feeling ko, lahat na ng internal organs ko ay nailabas ko na. Parang buong katauhan ko na 'yung sinuka ko. Alikabok na lang ako ngayon.
Nilingon ko si Donny na nakatayo lang sa tabi ko. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa buhok ko. 'Yung isa niya namang kamay ay hinahaplos ang likod ko.
"Kasalanan mo 'to," sabi ko pagkatapos kong masuka ulit. Hinihingal na ako, ha! Tama na! 😩
"Shhh. 'Wag ka na munang magsalita. Later mo na ako awayin."
Pagkasabi niya no'n ay nasuka ulit ako. Naiiyak na ako kasi ang sakit na ng lalamunan ko. Pinipigilan ko na masuka pero nasusuka pa rin ako. Baka sa susunod kong pagsuka, mailabas ko na pati mga kinain ko last week.
[Habang sinusulat ko 'to, parang nasusuka rin tuloy ako. Iba talaga impact niyo sa 'kin, DonBelle! Hahahahahahaha! - xxxluhanxxx]
Huminga ako nang malalim. Mukhang tapos na. Wala na rin akong nararamdaman sa tiyan ko. Tapos na yata ang pagsusuka ko for today's video.
Nilingon ko ulit si Donny. Nakatingin lang siya sa 'kin. 'Yung mukha niya pa, parang kung pwede lang niya kuhanin 'tong nararamdaman ko, kanina niya pa kinuha. Hindi naman ako papayag na siya naman ang makaranas ng ganito. Kung may deserve mang mahirapan, 'yung mga bashers namin 'yun sa totoong buhay. Ahehehe! Char not char!
"Tapos na."
"Tapos na? Sure ka?" tanong niya.
Tumango lang ako. Pagkatapos ay nagpaalam siya sa 'kin na kukuha lang daw siya ng tubig. Kaya habang hinihintay ko siya, naghilamos muna ako at nag-ayos ng sarili. Pinagmasdan ko 'yung sarili ko sa salamin. There's a lot of things running on my mind right now. Sumasakit tuloy ulo ko.
Hindi naman ako shunga para hindi ko maisip na buntis ako. Pero hindi ko rin kasi maiwasang isipin... paano kung iba na pala 'to? Ang dami kong nararamdaman lately kaya hindi ko maiiwasang isipin na baka may sakit na ako or something?
Natigil ang pag-iisip ko nang makabalik na si Donny. He's holding a glass of water na agad naman niyang binigay sa 'kin para inumin ko. Kahit kaya ko namang hawakan 'yung baso, hinawakan niya pa rin talaga 'yung baso habang umiinom ako. Kaya noong kalahati lang ang ininom ko, pinilit niya akong ubusin lahat 'yon.
"Okay ka na? Anong nararamdaman mo?" tanong niya agad pagkatapos kong ubusin 'yung tubig.
"Okay na ako. Wala naman akong nararamdaman," sagot ko. Ngumiti pa ako para makita niyang okay na talaga ako. Hindi na kasi maipinta ang mukha niya. Ramdam ko rin ang kaba at pag-aalala niya.
Grabe! Inistorbo ko na nga ang meeting niya, pinag-alala ko pa. Hindi na nga siya nakapagpalit man lang ng damit. Naka-suit and tie pa rin siya hanggang ngayon. Huhuhu. Sorry, Nato. :(
Napansin niya sigurong okay na talaga ako kaya ngumiti na rin siya. Okay na rin siya. Tumingin na nang nakakaloko sa 'kin, eh. Tapos binaba niya ang tingin niya sa tiyan ko. Alam ko na kung anong iniisip niya. Siguro, kanina noong nagsusuka ako, 'yon na ang iniisip niya. Kainis, shooter talaga! Ay, hindi pa pala kami sure!
"Positive!" nakangiti niyang sinabi.
Natawa ako at inirapan siya. Isa na pala siyang pregnancy test ngayon.
