Note: This chapter is for Sophia and Elisa. Hindi pa sila pwede magkaroon ng POV kasi bata pa sila. Oo, may age limit ang POV para sa 'kin. Hahaha! Isa pa, hindi naman ako papayag na nakapag-birthday na buong pamilya nila rito, tapos si Elisa ay hindi pa! I gotchu, baby! Haha!
Konting trivia lang din dahil hindi ko pala nasabi kung saan nagmula ang pangalan ni Elisa Tiffany. So, ang Elisa ay kinuha ko sa isang MMK episode ni Belle na nakalimutan ko na ang title. 'Yung Tiffany naman ay galing sa teleserye ng JaDine na On the wings of love kasi si Belle ang gumanap na young Tiffany. That's all. And I, thank you!
---
BELLE'S POV
Sino kayo? Sino ako? Charot! Alam kong namiss niyo ako kasi sino bang hindi makakamiss sa 'kin bukod kay Kuya? Wala! Anyway, back to the story...
Naunang gumising sa 'min si Elisa. Wala kasing pasok 'yung mga bata ngayon kaya hindi rin ako maagang gumising. Nagising lang din ako dahil kay Elisa. Dahil gumising nga siya na tulog pa kami ng Daddy niya, wala siyang ibang ginawa kundi gisingin ako.
Alam mo, baby? Buti na lang, cute ka.
Nang tuluyan na akong gumising, tiningnan ko si Elisa at tinawanan ako. Masaya siya dahil successful ang plano niyang gisingin ako. Napangiti tuloy ako habang tinitingnan siyang tumatawa.
"Good morning, baby!" I greeted her. Niyakap ko siya at pinanggigilan. Sumiksik pa siya sa 'kin kaya lalo akong nanggigil sa kaniya. Pinigilan ko lang na maglikot masyado kasi tulog pa si Donny sa kabilang side.
Among the five of them, I can say na si Elisa ang pinaka-clingy sa kanila. Gusto niya, lagi niya akong nakikita. Lagi rin siyang nakadikit sa 'kin. Clingy din naman siya kay Donny. Kaya nga mas gusto niyang natutulog sa gitna namin ni Donny. Ayaw niya sa tulugan niya. Ako pa naman pumili no'n. Hindi niya yata bet!
Selosa rin 'tong si Elisa! Kapag nagmo-moment kami ni Donny sa gilid, bigla siyang sisigaw at magpapakarga sa 'kin. Lalo tuloy humaba ang nguso ng Daddy niya! Clingy siya sa 'ming dalawa pero mas clingy siya sa 'kin. May times pa na pati pagligo ko, iiyakan niya rin. 'Yung 1 hour ko tuloy na pagligo, ginagawa ko na lang na 15 minutes para hindi niya ako masyadong mamiss.
"Gutom ka na, baby?" tanong ko na parang sasagot si Elisa. I mean, sasagot naman siya pero sa sarili niyang language.
At least, nakakapagsalita na siya kahit hindi pa masyadong naiintindihan. Good for her. Knowing na malapit na siya mag-1 year old. Grabe, ang bilis ng oras talaga! Parang kailan lang noong ginawa siya. Charot!
Hindi ako pinansin ni Elisa dahil tumingin siya sa Daddy niya. Kaya napatingin din ako kay Donny. Tulog na tulog pa rin siya. Sakto rin kasing nakaharap siya sa 'min. Sa kakatingin ko kay Donny, hindi ko napansin na lumayo sa 'kin si Elisa at lumapit siya sa Daddy niya. The next thing I knew, hinampas na niya sa mukha si Donny.
Tumawa muna ako bago ko nilayo si Elisa kay Donny. Hindi naman nagising si Donny pero kumunot ang noo niya at napahawak siya sa part ng mukha niyang hinampas ni Elisa. Tulog pa rin naman si Donny kaya natawa ako. Masyadong napagod kagabi. Sa work, ha. Sa work.
"Sleep pa si Daddy, mamaya mo na siya guluhin," sabi ko kay Elisa. Niyakap ko siya habang tumatawa siya. Noong medyo malikot na siya at gusto na tumayo, tumayo na rin ako. Lalabas na lang kami at baka magising pa si Donny sa likot ni Elisa.