DONNY'S POV
I am with the boys today. Hindi ko alam kung anong naisipan nila at bigla silang nagyaya maglaro ng Golf ngayon. Wala sana akong balak sumama kasi tinatamad ako. But Belle forced me. Para raw hindi puro business ang ginagawa. She even told me na mukha na akong business na tinubuan ng mukha. How dare you, Tink?!
"Nakakapagod naman!" It was Gello. Paano hindi siya mapapagod, eh, ang ingay niya. Every time na siya na ang titira, sumisigaw siya. Buti na lang at kami-kami lang din ang magkakalaro. Kasi kung may iba kaming kalaro, baka kanina pa nila hinampas si Gello.
"Napagod ka na agad, buddy?" Buddy said. Parang nang-aasar pa ang way ng pagtatanong niya. "Ako nga, hindi man lang pinagpawisan!"
We're now having a break. Kanina pa kami naglalaro at napapagod na rin ako. Hindi kami pro players pero masyado naming cinareer ni Joao ang paglalaro.
"Paano ka pagpapawisan, nakaupo ka lang naman?" Limer replied before laughing. Ayan na naman 'yung nakakahawa niyang tawa.
"Naka-complete outfit ka pa, buddy, uupo ka lang naman sa buong game!" pang-aasar naman ni Miah.
Napailing na lang ako habang nakikinig sa bangayan nila. Their voices are so loud! Ako na ang nahihiya kapag may napapatingin sa 'ming mga tao. Kapag kami, napaalis dito, kasalanan nila!
"Ano ba kayo? Ganoon talaga!" Buddy tried to defend himself. "Sa basketball, may mga bench players, 'di ba? Kaya may bench players din sa Golf!"
Binatukan naman ni Limer si buddy. "Pauso ka na naman. Wala naman yatang ganoon sa Golf!"
"Wala nga yata," sabi ni buddy kaya nagtawanan kami. "Alam niyo, kumain na lang tayo. Nagugutom na ako. Nakakagutom kaya umupo."
Kaya pumunta kami sa Restaurant para kumain. Kaunahan pang um-order si buddy kasi gutom na gutom na raw talaga siya. Natawa na lang kami habang sinasabi niya sa waiter ang mga order niya.
"Grabe naman, buddy! In-order mo na rin kami?" Miah asked.
"Ano kayo, gold? Pang-akin lang 'yun. Um-order kayo ng sa inyo!"
"Sa 'yo lang 'yon?" Limer asked. "Eh, pang-long table na ang in-order mo! Nakakaloka ka!"
Sunod-sunod na rin kaming um-order. Sinabay ko na rin sa order ko ang pasalubong ko for my kids. Lagi kasi nila akong hinahanapan ng pasalubong tuwing uuwi ako. Kaya kahit sa kapitbahay lang ako galing, bumibili talaga ako ng pasalubong for them. Baka hindi ako papasukin ng bahay kapag wala akong dala, eh. Syempre, hindi ko makakalimutan si Tink! Baka mag-alburuto na naman ang Taal Volcano kapag wala akong pasalubong sa kaniya.
"Ang dami mo namang order, pre! Gutom na gutom ka rin?" Joao asked.
"Pasalubong ko 'yung iba."
"Nakanang naman, Daddy Donny!" pang-aasar ni Miah. I threw a crumpled tissue at his face.
"Pre, may balak pa ba kayong sundan si Sophia?" tanong naman ni Gello.
"Bakit ba laging kami ang tinatanong niyo niyan? Kayo nga, tig-iisa pa lang," sagot ko naman kaya nagtawanan kami.
"Ang yabang mo naman, Donny! Porket masipag kayo ni Belle!" Joao said. Dahil katabi ko lang siya, mabilis ko siyang nasiko. "Aray, puta!"