Moon's Note:
Hello my dear readers. I would just like to take this opportunity thank you guys. Perfect Mistake was about to hit 14k reads! Party party. Napakalaking achievement na nito para sakin. Hindi ko inakala na mapapansin din 'tong PM so thank you talaga. Lalo na dun sa mga laging nagcocomment at nagvovote, sa mga nagfan, sa mga nag-add nito sa reading list nila. Thank you from the bottom of my heart and intestines. HAHAHA. I love you guys. :*
Dedicated to a new fan. Thanks for readin this. Enjoy the update. :)
--
*Sophia's POV*
"Babywifey koooo. Papasok na koooo." Sino pa nga ba? Eh di si Dy. Kasabay pa ng back hug habang nag aayos ako nung hinigaan namin. At yung babywifey pauso niya din yan. Eh di syempre kinikilig ako.
"Uuwi ka maaga ha." Palambing kong sagot sa kanya habang inaayos pa din yung kama namin.
"Opo. Ano gusto ng babywifey ko? Bibilin ni Daddy." Anuba! Ako na kasi kinikilig talaga. Si Dy naman kasi lagi ako binibaby.
"Hmmm... Ikaw." Natatawa kong sagot sabay harap sa kanya.
"Sus. Bolera. Ano gusto ng baby naming pasalubong ha? Ibibili ng daddy niyang gwapo." Sabi niya sabay lean malapit sa tyan ko, kinakausap niya na naman si baby eh.
"Sige bili mo na lang ako milkshake. Tapos uwi maaga ha?" Sabi ko sabay ayos ng collar ng uniform niya. Asawang asawa lang ang dating ko. Kinikilig talaga ako sa mga simpleng gestures namin ni Dylan sa isa't-isa.
"Opo dalawang baby ko." Sabi niya sabay kiss sa lips ko.
"I love you babyhubby ko." Ngumiti ako bago ko siya ikiss ulit sa lips. Siya din nag-suggest ng babyhubby nay an, para daw counterpart ng tawag niya sakin.
"Wag na kaya ko pumasok?" Bigla niyang sabi sakin kaya napataas lang ako ng kilay. "Baka mamiss kita eh. Kiss ka ng kiss baka hindi na ko makaalis niyan." Sabi niya sabay kindat.
I swear parang tumalon yung baby sa tyan ko! Kasi naman si Dy, ang lakas magpakilig. Forte niya ba talaga yun? Kasi effective eh, sobra.
"Aychuu. Nanlalambing. Pumasok ka na po, baka madami ka mamiss sa klase mo eh." Natatawa ko na lang na sagot sa kanya tapos nilagay ko yung kamay ko paikot sa leeg niya.
"Kesa ikaw mamiss ko." Sagot niya naman sakin, naramdaman ko na nagblublush na ko.
"Kulit!" Sabi ko tapos pinisil ko yung ilong niya. "Malapit-lapit na din yung finals kaya mag-aral ka na daddy. Okay po?"
"Hmp. Sige na nga. Kumain ka na sa baba ha? Uwi ako mga 2:30. I love you po babywifey kong mahal." Natatawa tawa pa siya habang sinasabi niya yan. Psh, kinikilig lang yan pag ganyan. :P Pero mas kinikilig ako pag nagsasabi siya ng "PO" sakin. Ang sweet ng dating eh.
"Opo daddy ko. Pasok na baka malate ka. I love you too. Much much."
Natawa kaming pareho sa "much much" ko. Basta kasi pag kaming dalawa lang kung ano-anong kalokohan, kakornihan at kasweetan ang lumalabas sa bibig namin.
Hinalikan niya pa ulit ako sa lips bago lumabas ng pinto. Halos araw-araw ganito kami ni Dylan. Araw-araw din akong kinikilig. Ang sweet kaya ng babyhubby ko.
"Pst. Sexy kong asawa. I love you ulit. Bbye na talaga." Nagulat naman ako kasi bumalik pala siya.
"Daddy, late ka na. Pasok na po."
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...