Note:
Halos 3/4 ng update ay written in 3rd person's POV. La lang, testing lang kung okay din sakin. Leave your comments about this please. Salamat :)
Perfect Mistake Chapter 37
"Aaaaahhhhhh! Ang sakit na ng tyan ko!" Sigaw ni Sophia habang sapo sapo pa din ang sumsakit na tyan.
"Ha? Saglit lang. Sandali. Ano bang gagawin ko?" Natataranta namang tanong ni Dylan habang palinga linga. Hindi niya kasi alam kung ano ang gagawin kay Sophia. Nagulat din siya, hindi pa kasi nito kabuwanan pero sumasakit na ang tyan nito.
"Aaahhh! Sira ulo ka dalin mo na ko sa ospital Dy. Ang sakit na." Mahina nang sabi ni Sophia, hirap na din kasi siya.
"Maaaa! Mama! Si Sophia po! Papa!" Sigaw naman ni Dylan habang inaalalayan ang magiging asawa paupo sa sofa.
Agad agad naman dumating sa sala ang mga magulang ni Dylan na natataranta pa.
"Anong nanagyari anak?" Tanong agad ng Mama Dea niya. Lumapit pa ito kay Sophia.
"Sumasakit na yung tyan niya Mama." Nag-aalala at kinakabahan na sagot ni Dylan sa Mama niya. Alam niya kasing may kasalanan siya sa nangyari, napagalit na naman niya si Sophia.
"Isakay mo na siya sa kotse anak. Dalahin na natin sa ospital!" Mabilis na suhestyon ng Papa Zeus niya. Agad nitong kinuha ang susi ng sasakyan at dumeretso sa garahe.
Binuhat naman niya si Sophia kahit bigat na bigat na siya. Inalalayan naman siya ng nag-aalala niyang Mama.
Aaaah. Ang bigat na niya, ay dalawa na pala sila. Hey baby, wag mong pahirapan ang mommy.
Nasabi pa ni Dylan sa sarili habang buhat buhat si Sophia na halos maiyak na. Isinakay nila ito agad sa backseat, tumabi na din siya dito. Sa driver's seat naman ang Papa niya at sa shotgun seat umupo ang Mama niya.
"Aaaahhhh! Walanghiya ka Dylan!" Sabi ni Sophia habang napapasabunot na sa asawa. Bukod kasi sa inis pa siya dito ay wala siyang mapagbuntunan ng sakit na nararamdaman niya.
"Aray baby ko. Baka naman mapanot na ko." Lukot na ang mukha ni Dylan sa ginagawang pagsabunot ni Sophia sa buhok niya pero hindi naman niya ito masisi. Alam niyang may galit pa ito sa kanya at nahihirapan pa sa sitwasyon niya ngayon.
"Sandali na lang anak malapit na tayo sa ospital." Sabi ni Zeus sa dalawa habang nagmamaneho. Excited at the same time ay kinakabahan siya para sa kanyang unang apo. Lalaki pa man din, tagapagmana ng apelyido nila.
Pagkarating na pagkarating nila sa ospital ay agad nilang dinala si Sophia sa emergency room.
"Ahhhh. Pasaksakan niyo na po ako ng gamot. Ayoko naaaaa. Ang sakit sakit." Paulit ulit na sinasabi ni Sophia sa lahat. Halos maiyak na din siya, unfamiliar siya sa pakiramdam kaya naman hindi niya ito kaya.
"Shhh. Baby, sandali na lang ah. Kaya mo yan." Bulong ni Dylan kay Sophia para palakasin ang loob nito.
"Hindi ka na makakaulit kala mo. Ang sakit sakit." Naiiyak nang sabi ni Sophia kay Dylan.
Napalaki naman ng mata si Dylan sa sinabi nito, ang saklap lang para sa kanya. Parang natawa naman sina Zeus at Dea sa sinabi ni Sophia, pansamantala nilang nakaligtaan ang pag-aalala at pagkaexcite.
***
"Anak dyan ka lang. Gusto mo ba ng coffee?" Tanong ni Zeus sa anak.
"Sige Pa." Maikli niyang sagot at lumabas na ang dalawa para bumili ng pagkain. Napangit na din si Dylan, mabuti naman at nagkakasundo na ang mga magulang niya. Malaki na din ang inimprove ng samahan nito mula nung umuwi ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...