Chapter Sixteen

191K 2.2K 54
                                    

Author's Note: 

WOOOOO!! Happy 3rd Month samin ni Watty mylove! *Sabog Confetti* 

-

Perfect Mistake Chapter Sixteen

 

*Zea's POV*

 

 

Kinikilig ako! Sobrang kinikilig ako habang pinapanood si Dylan at si Sophia na nagkikiss habang basa sila ng sprinklers. It was so romantic! Hindi ko tuloy maiwasan na hindi mainggit. Kasi naman eh. Idea lahat ni Brix yung ganito kasi hindi talaga marunong manligaw si Dylan, puro pambababae lang ang alam niya before. Pero super happy ako na marunong na siya sumeryoso ngayon. Kahit magkakababy na sila ni Sophia para pa din siyang nanliligaw. Haaaaaay.

Pinagday off ko na din lahat sila Manang para walang istorbo dun sa pagpapakasweet nung dalawa. Hihi!

*bzzzt bzzzt*

Napanguso naman ako nung nagvibrate yung phone ko, istorbo naman kasi pinapanood ko pa nga yung dalawa eh.

Incoming Call...

BEErix. Ü

 

Si Brix. I answered the phone quickly. "What now?"

"Zee, anong nangyari? Ayos ba yung plano ko?" Tanong niya mula sa kabilang linya. Tinignan ko ulit sila Dylan at Sophia. Mukhang masayang masaya naman silang dalawa pero parang gusto ko yatang pagtripan muna si Brix.

"Brix Zyron Montez, palpak yung plano mo! Badtrip tuloy si Sophia, magkaaway sila ni Dy." Kunwari seryoso kong sagot sa kanya sa phone pero nagpipigil na talaga ako ng tawa.

Biglang lumakas yung boses niya. "Ha?! Bakit? Anong palpak?" Mukhang worried niyang tanong. Lalo tuloy akong nagpigil ng tawa ko.

Nag imbento ako. "Ano kasi yung lights hindi naman lahat umilaw tapos yung flowers nalanta na siya agad. And then yung candles sa pool hindi naman nagfloat eh, lumubog lang sila."

"Tsk. Sige pupunta ako ngayon dyan, kukunin ko lang yung-"

"Pffffft! Hahahahahaha!" Hindi ko na napigil yung tawa ko kasi naman yung tono ng salita ni Brix from the other line parang guilty na guilty siya.

"Bakit ka tumatawa?" Nagtataka naman niyang tanong.

"I was just kidding you! Hahahaha. Okay yung dalawa, ang sweet nga nila." Napangiti ako sa sinabi ko nung nakita ko pa din yung dalawa na sweet na naghaharutan sa baba.

"Tss! Kala ko palpak na naman ako eh. Oh ano? Sa tingin mo ba sila na?" He sounded relieved.

Nagtaka naman ako sa tinanong niya kaya bigla akong napakunot. "What do you mean silly? Sila naman talaga di ba? Magkakababy na nga sila eh!"

"A-ah! Hahahaha! Oo nga pala." Alam ko naman na fake na fake yung tawa niya. Nag-uulyanin nab a si Brix at nakalimutan niyang may relasyon na yung dalawa? "Kasi naman si Dy parang nanliligaw pa din kung manuyo." Tuloy niya. Napatango na lang ako. Sabagay, kung hindi ko nga siguro alam na sila na iisipin ko nanliligaw si Dy kay Soph.

"Yeah, buti pa nga si Dylan." I sighed. Hindi naman sa pinaparinggan ko si Brix pero parang ganun na din. Kakainis kasi eh. Once in a blue moon lang yata maging sweet si Brix, minsan parang pilit pa. Bwisit naman!

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon