Chapter Forty Eight

122K 1.2K 53
                                    

WARNING: Mahaba lang ito pero walang katuturan. Chos! 

READ AT YOUR OWN RISK. :P

Chapter 48

 

*Sophia's POV*

 

"Once again, congratulations to this year's graduates!" Sabi ng emcee bilang sign na tapos na yung ceremony at program. Napuno bigla ng palakpakan at sigawan yung buong theater.

Tinignan ko naman tuloy yung batang hawak ko.

"Aba, tulog na tulog pa din kahit na maingay na." Natatawang bati ni Papa Zeus kay Aian na buhat ko. Dapat kasi hindi na namin siya isasama kaso wala naman siyang kasama dun aside sa dalawa naming kasama sa bahay kaya dinala na din namin.

"Oo nga po kanina pa po tulog yan. Buti na lang hindi umiiyak." Sagot ko kay Papa habang tinignan si Aian. Ang cute cute niya matulog, parang angel.

"Baby ko!" Rinig kong sigaw ni Dylan. Nung tignan ko papalapit na siya samin, habang nakablack toga at may hawak ng diploma.

"Congrats daddy!" Hinalikan ko siya sa pisngi nung makalapit siya samin.

"Thank you baby ko." Hinalikan niya din ako sa pisngi pagtapos ay bumaling kay baby. "Baby, bakit tulog ka pa din? Tignan mo si Daddy oh." Nakapout pa siya habang kinakausap si Aian.

"Dy wag mo kasing gisingin baka umiyak!" Sita sa kanya ni Ate Zea, may kasama pang palo sa braso.

"Congrats anak." Bati ni Papa Zeus sabay yakap sa kanya.

Gumanti din naman siya ng yakap. "Thank youPa."

"Ang baby ko graduate na. Congratulations anak." Bati din ni Mama Dea kay Dylan at gaya ni Papa Zeus yumakap din siya.

Niyakap din ni Dylan si Mama kahit medyo asiwa siya sa pagtawag na baby sa kanya. "Ma, hindi na ko baby. Thank you Mama."

"Okay guys picture muna!" Pagtawag ni Ate Zea sa atensyon namin kaya umayos kami ng pwesto. Nasa gitna kami ni Aian at Dylan at nasa magkabilang gilid naming sila Papa Zeus at Mama Dea.

 "Ready... one... two... three..."

*click*

"Nice!" Sabi ni Ate Zea nung tignan niya yung kuha niya.

"Sige ako naman magpipicture sa inyo." Sabi ni Papa Zeus pagkatapos kuhanin yung camera kay Ate Zea. Pumalit si Ate Zea sa pwesto niya sa tabi ni Dylan.

"Ready... one... two... three."

*click*

"Oh ang ganda ng pagkaka picture ko, parang pang professional photographer oh." Ngiti ni Papa sabay pakita samin nung kuha niya.

"Wala naming pinagkaiba sa kuha ko Pa!" Nakakunot na sagot ni Ate Zea sa kanya.

"Anong wala? Ayan oh di ba mas maganda yung anggulo ko." Natatawang sabi ni Papa Zeus habang pinapakita ulit kay Ate Zea yung kuha niya.

"Sus ambisyoso 'tong matanda na 'to, tara na sa labas para makauwi na tayo. Nagpaready na ko sa bahay ng food." Sabi ni Mama Dea habang papalabas. Konti na lang din kasi yung tao sa theater dahil lumabas sa siguro yung iba.

"Kung maka matanda akala mo siya bata pa." Sagot ni Papa sa  pang-aasar ni Mama sa kanya.

"Heh!"

Nagtawanan na lang kaming dalawa ni Ate Zea habang palabas. Nakakatawa naman kasi talaga mag-asaran silang dalawa, parang mga teenager na nagtatalo.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon