Chapter Fifty Three

101K 1K 88
                                    

Shane Ramirez sa multimedia. :p

Chapter 53

*Sophia's POV*

 

"A-an.... a-anak?" Umiiyak at nanginginig kong tanong kay Dylan.

Bakit kahit may hinala na ko, kahit na may duda na ko, mas masakit pa din marinig yung katotohanan? Bakit kailangan maging ganito kasakit malaman yung totoo?

"Anak ko siya." Pag ulit niya pa ng mahina, halos bulong na lang.

"Tama na...." Sagot ko kaagad. Ayoko ng marinig ulit. Tama na yung isang kumpirmasyon. Tinignan ko yung mukha ni Dylan, mukhang siya din nagulat sa nasabi niya. Kung hindi ko siya pinilit hindi niya pa din ba sasabihin? Hanggang kailan niya itatago sakin 'to? Kailan niya binabalak sabihin sakin?

"Hindi ko naman balak itago..."

"Pero ginawa mo. Nagawa mo na Dylan. Kung hindi kita pinilit sasabihin mo ba? Ni ayaw mo pa ngang magsalita kanina! Mukha akong tanga kakahintay kung kailan ka magsasabi sakin. Hindi na ko mapakali sa dami ng iniisip ko, sa dami ng gusto kong malaman. Pero hinayaan mo lang ako. Halos isang linggo na wala ka man lang sinasabi. Ganun na ba ko kawalang halaga sayo?"  Sunod sunod kong sabi sa kanya pagkatapos ko siyang pigilan magsalita.

"Hindi naman sa gan-"

"Wag ka ng magsalita please!" Pagputol ko ulit sa anumang sasabihin niya.

"Please let me explain." Pigil na inis niyang sabi.

I smiled sarcastically habang tumutulo yung luha ko. "Explain? Ilang araw yung lumipas pero hindi ka nagsalita, wala kang sinabi. Tapos sasabihin mo sakin hayaan kitang magpaliwanag? Hayaan kitang magsalita? Ngayon pa? Kung kailan ayoko nang marinig ang kahit anong sasabihin mo."

Hindi siya nakasagot sa sinabi ko, napayuko lang siya dahil totoo. Mas pinili niya pang hayaan ako na magmukhang tanga kesa sabihin sakin na anak niya si Zion

Dahil wala naman din na akong mapapala dito, nagmadali na lang akong umakyat sa kwarto namin. Malas pang nandoon nga din pala si Zion.

"Pakilabas na muna yan dito." Pakiusap ko kay Ate Doris na agad naman niyang ginawa.

Masakit din para sakin makita yung batang yun. Bakit ngayon pa siya dumating? Ngayon pa kung kailan akala ko okay na lahat. Kung kailan masaya na kami.

Hindi ko na alam kung gaano katagal akong umiiyak nung naisip kong kailangan ko ang Mama ko. Kailangan ko siya ngayon.

Kinuha ko yung phone ko at idinial ang number ni Shane.

Sinagot naman niya kaagad. "Hello ate? Bakit?"

Pinilit kong ayusin yung boses ko para hindi niya mahalata. "Nasa bahay ka ba?"

"Oo. Teka, umiiyak ka ba?" Pero hindi ako nakalusot sa kanya.

"Sunduin mo naman ako dito ng taxi... please." Pagpigil ko ng iyak ko pero hindi ko napigilang humikbi.

"Sige, sandali lang, pupunta na ko. Dyan ka lang. Tatawagan kita pag malapit na ko." Halata ko sa boses niya na nag-aalala siya.

"Sige." Sagot ko bago ko putulin yung linya.

Pagkalapag ko ng phone ko sa kama nag-ayos na kaagad ako ng mga gamit at damit ni Aian. May mga gamit at damit naman ako sa bahay namin kaya hindi ko na kailangan mag-ayos ng madami para sakin. Mga importanteng gamit ko na lang ang nilagay ko sa bag. Pero habang nag-aayos ako ng gamit namin ni Aian hindi ko mapigilan na hindi umiyak, masyadong maskait yung ginawang pagtatago sakin ni Dylan.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon