Credits to the editor of my new book cover. Sorry for waiting guys! <3
Perfect Mistake Chapter 42
[Brix]
"Oh tol, nasa bar tayo tapos yang mukha mo mukhang semana santa." Biro sakin ni Carlo. Nandito kasi kami ngayon sa Griffin, wala naman kasi talaga akong importanteng gagawin. Sinabi ko lang yun kay Zea para naman maramdaman niya yung feeling ng hindi nabibigyan ng oras. Try niya lang minsan para ma experience niya naman.
"Hoy tol! Kanina ka pa ba tulala dyan ah. Anong problema?" tanong ulit ni Carlo sakin.
Tinignan ko lang siya ng seryoso.
Hindi pa ko nakakasagot nagtanong na ulit siya. "Iniisip mo pa din ba yung threats ng grupo nila DK?"
"Naisip ko lang kung ano pa bang susunod na plano ng sira ulo na yun." Medyo pagsisinungaling ko, oo naiisip ko yung tungkol sa banta ng mga sira ulo na yun. Pero mas iniisip ko yung samin ni Zea, para kasing pakiramdam ko mas okay pa kami noong wala pang official commitment kesa ngayon. Na eexpect na kasi ako kaya siguro hindi kami magkasundo.
"Ah tol..." Biglang istorbo ni Carlo sa'kin. Sinabayan niya pa ng turo sa harapan ko.
Muntik ko naman mabuga sa kanya yung iniinom ko nung nakita kong papalapit samin si Zea. Kinusot ko pa ng konti yung mata ko kasi baka nagkakatama na ko sa iniinom namin pero hindi, si Zea talaga yun at nakasimangot pa siya. Mukhang ako ang tatamaan sa kanya.
"Busy ka pala." Bati niya sakin with a straight face.
"Bakit mo alam na nandito ako?" Tanong ko pagkatayo ko.
"Malamang nakita ko yung kotse mo sa labas, at para namang hindi ko kabisado kung saan ka pumupunta. Wala ka sa school e, so malamang nandito ka lang." Sagot niya ng seryoso pa din. Pero ang nakakapanibago? Hindi ako nakatanggap sigaw, sampal, sapok o kahit anong pwedeng ireklamo as physical injury. Nakakapanibago.
"Mag-usap tayo." Seryoso niya ulit na sabi. Sa tono pa lang ramdam ko na may problema nga talaga kami.
"Sige lang 'tol." Parang pag sang-ayon ni Carlo na nakikinig pala samin. Chismoso ala Nate.
"Saan?" Tanong ko.
"Sumunod ka na lang sakin." Sagot niya naman bago maglakad palabas ng bar.
Sumunod na lang din ako agad, nag convoy na lang kami sa kung saan man niya gustong makipag-usap. Sa totoo lang kinakabahan ako sa pag-uusapan namin. First time yata kasi kaming mag-uusap ng ganito kaseryoso, minsan nga naiisip ko kung tama bang inalok ko na kaagad siyang magpakasal dahil baka hindi pa naman talaga siya ready.
Nung nakapark na siya sa tapat ng isang restaurant nagpark na din ako, hinintay naman niya ako.
"Table for 2 miss." Sabi ko sa waitress.
"This way sir." Nilead niya kami papunta sa isang table at binigyan ng menu.
"I'll have Chinese Style Beef Tenderloin and Fresh Lemonade." Sabi ni Zea sa waitress.
"Beef Brisket in Pot and Honey Lemon Tea." Order ko naman.
"Would that be all Sir?" Tanong ulit ng waitress.
"Ah yes." Sagot ko lang kaya naman umalis na din kaagad yung waitress. Naiwan kaming dalawa ni Zea na awkward na awkward.
Ramdam na ramdam ko yung pag-iiba samin, never kaming nagkaroon ng awkward moment ni Zea. Not until now. Sa tagal namin magkakilala hindi ko naisip na magkakaroon kami ng awkward moment.
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...