Perfect Mistake Chapter Sixty One
HONEY's POV
"Nandyan ba sila?" Tanong ko dun sa guard sa labas ng bahay ng mga Santiago.
"Opo ma'am." Sagot lang nung guard bago niya ako pagbuksan ng gate. Pumasok naman ako kaagad sa loob.
Hindi ko naman na binalak bumalik dito e. Magpapaalam lang ako sa kanila. For good.
Naglakad ako sa madilim na hallway ng bahay. Mayaman naman sila pero nagtitiis sila ng malamlam lang yung ilaw dito sa hallway. Hindi ko talaga maintidihan si Drev.
"Oh bakit ka nandito? Namiss mo ko?" Nakakaasar na ngumisi pa si Drake nung nakasalubong ko siya.
"Nasan yung kuya mo? Magpapaalam lang ako." Hindi ko pinansin yung tanong niya.
"Nasa loob." Sabay turo niya sa office room ni Drev sa kaliwa. "Bakit? Ipagpapaalam mo pa bang magtatanan na tayo?"
Ayoko sana siyang patulan kasi aalis na din naman ako e kaya lang masyado siyang mayabang. "Ipagpapaalam ko lang kung pwede ba kitang ibaon sa lupa, dun ka kasi bagay." Sabay tinalikuran ko siya. Hindi ko na siya kilala e. Hindi na siya yung foster brother ko na nagustuhan ko dati.
Nung oras na kailangan ko siya, wala siya. Pinabayaan niya ako. Tapos sinisi niya pa sakin lahat ng nangyari kila Momsy at kay Ate. Samantalang kasalanan niya din naman. Parehas naman kaming may kasalanan dun.
Buti naman hindi na niya ako inasar ulit dahil isang nakakainis niya pang banat, balak ko na talaga siya hamapasin ng bag ko.
Kumatok ako sa kwarto ni Drev bago pumasok. Naabutan ko siyang umiinom mag-isa.
"Bakit nandito ka?" Bungad kaagad niya sakin nung makita niya ako. Alam ko naman na ayaw niya sakin simula pa nung una e. Hindi naman niya ako trinato na kapatid. Hindi ko din maintindihan kung bakit magpapaalam pa ako sa kanya, siguro para lang malaman niya na nag gigive up na ako sa plano niya.
Sinara ko lang muna yung pinto at tumayo lang sa harapan niya. Di na ko umupo, di naman ako magtatagal e.
"Magpapaalam lang ako. Aalis na kasi ako." Sagot ko. Ineexpect kong sasabihin niya na wala siyang pakialam o kaya paalisin niya ako sa harapan niya pero imbes ngumiti lang siya. Yung ngiti na parang alam siyang hindi ko alam.
"Hindi ko na kayo guguluhin, basta pabayaan niyo na din ako. Nagawa ko naman yung gusto mo e." Sabi ko sa kanya.
Tumango tango lang siya na parang nag aagree siya sa mga sinabi ko. "Alam ko. Pero duda ako kung itutuloy mo pa yung pag alis mo."
Napakunot ako. "Anong sinasabi mo?"
Tumawa siya ng mahina tapos ininom niya yung nasa baso niya. "Makikita mo din. Sige, lumabas ka na." Tapos tinalikod niya yung swivel chair niya.
Naisip ko baka ginugulo lang ni Drev yung utak ko kaya nagsasalita siya ng ganun. Kaya lumabas na din ako ng kwarto niya. Hindi ko naman na nakita si Drake sa labas, buti naman.
Naka lagpas na ako ng hallway at nandito na ako sa receiving area ng bahay nila, na dating bahay ko na din. Ito na siguro yung last time na pupunta ako sa bahay na 'to. Wala ng dahilan para pumunta ako dito. Wala na si Momsy. Galit si Popsy at may sakit si Ate.
Pinihit ko na yung door knob ng pinto pero napatigil ako nung biglang may humigit sa braso ko at isinandal ako sa pader.
"Pukyot."
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
Roman d'amourPublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...