Chapter Sixty Five

98.4K 1K 106
                                    

Chapter 65

 

Sophia's POV

 

 

Dalawang araw na 'yung lumipas simula nung insidente samin ni Cyril. Pinilit kong ituon 'yung atensyon ko kay Dylan at kay Aian para makalimutan ko 'yun. Nagagawa ko naman kahit papaanong hwag isipin pero paminsan minsan sumsagi pa din siya sa isip ko.

"Oh bakit nakasimangot na naman ang baby ko?" Tanong ni Dylan sabay pisil sa ilong ko. Simula din nung isang araw naging extra sweet siya sakin. Lalo tuloy nakakaguilty.

Ngumiti ako sa kanya at humilig sa braso niya. "Wala naman, madami lang akong iniisip."

Hinilig niya din 'yung ulo niya sa itaas ng ulo ko bago siya nagsalita ulit. "Kasama ba ako dyan sa mga iniisip mo?"

Napangiti ako sa tanong niya. Tumango ako ng konti habang nakahilig pa din sa balikat niya. We shared the silence around us. Basta lang alam namin na magkatabi kaming dalawa, na mahal namin ang isa't-isa. Hindi na kailangan ng mga salita para ipaalam malaman namin 'yun sa isa't-sa, sa pakiramdam na lang.

"Soph, naiisip mo ba kung nasaan tayo 10 years from now?" Bigla bigla niyang tanong sakin kaya inangat ko yung ulo ko para tignan siya.

"Bakit mo naman naitanong?"

Nagkibit-balikat siya. "Wala lang. Naisip ko lang bigla kung pagkatapos ba ng 10 years ganito pa din tayo.

Pumihit ako ng upo paharap sa kanya bago ko siya sagutin. "Hindi na." Hinawakan ko 'yung kaliwang pisngi niya gamit yung kaliwang kamay ko. "Kasi lahat naman nagbabago, siguro after 10 years ibang iba na tayo. Pero isa lang ang sigurado ako, after 10 years mahal pa din kita." Ngumiti ako pagkatapos bilang assurance sa mga sinabi ko sa kanya. Lahat ng iyon ay totoo.

"Sir, Ma'am, may bisita po kayo." Pag istorbo samin ni Manang. Kasunod niya 'yung isang taong sa ngayon ay ayokong makita. Sa lahat naman ng dadalaw, bakit siya pa?

"Cyril! Napadalaw ka!" Mukhang nagulat si Dylan kagaya ko pero halatang masaya siya. Nasaktan na naman ako para sa kanya. Masaya siyang makita ang isang taong hindi niya alam tinatalo siya.

Dylan's POV

"Wala lang akong magawa, yung mga kumag naman mukhang may kanya kanyang pinagkakaabalahan." Sagot ni Cyril pag kaupo niya sa sofa na katapat ng sa amin ni Sophia.

Biglang tumayo si Sophia pagkaupo ni Cyril. "Kukuha ko lang kayo ng juice sa kusina."

"Hwag na Sophia, dito ka na lang. Matagal na din tayong hindi nagkakakwentuhan." Pigil ni Cyril kay Sophia. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa ni Cyril, pakiramdam ko may kakaiba sa tingin ni Sophia sa kanya. Pero isinantabi ko na lang 'yun, baka guni-guni ko lang.

Bumalik na si Sophia sa pagkakaupo niya sa tabi ko at humawak sa kamay ko. Napangiti naman ako.

"Si Nate ba nakakausap mo pa? Si Enzo?" Tanong ni Cyril.

Kailan nga ba kami huling nagsama sama ng kumpleto kami? Noong bago pa yata mag gradution. Ang tagal na din pala. "Si Enzo tinawagan ko last week lang, may malaking problema daw sila ni Heart. Si Nate, ewan ko, Di naman sumasagot."

Natawa si Cyril ng mahina tapos biglang lumungkot 'yung mukha niya. Palagay ko parehas kami ng nararamdaman ngayon. Pakiramdam ko kasi ang lalayo na namin sa isa't-isa. Hindi naman namin kailangan malaman ang lahat lahat tungkol sa isa't-isa pero iba kasi ngayon. Hindi na katulad ng dati na kahit matagal kaming hindi nagkakausap usap alam naman namin na maasahan pa din namin ang isa't-isa.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon