Cathy on the multimedia.
Kyaaaaa! I so love the feedbacks last time, thank you. Super late na yung update ko, almost 12 na but hey atleast nalabanan ko ang WB! Ahihi. :
Chapter 43
*Brix's POV*
Nagmamadali akong bumaba sa kotse ko para tignan kung ayos lang ba yung kung sino mang natagis ng sasakyan ko. Masyado akong natulala sa sarili ko, makakaaksidente pa tuloy ako. Naabutan ko naman ang isang babaeng nakapaupo mismo sa tapat ng kotse ko.
"Miss? Okay ka lang ba? Dadalahin kita sa ospital." Sabi ko habang inaalalayan siyang tumayo.
"Okay lang, siguro nagulat lang ako." Sagot niya habang dahan dahan ding tumatayo pero bigla siyang napa-aray. "Ah, teka lang masakit yung paa ko."
"Sabi naman sayo dadalahin na kita sa ospital eh." Pagpilit ko sa kanya at inalalayan ko na din siyang tumayo. Hindi naman na siya nag object pa, buti na lang hindi siya humagis kasi kung nagkataon baka deretso kulungan ako nito.
Nung naisakay ko na sa shotgun seat yung babae pinulot ko na yung bag niya at inabot sa kanya. Umikot na din ako sa kabila para sumakay at magsimulang magdrive.
"Sorry pala ha, masyado lang occupied yung utak ko kaya hindi kita napansin na dumaan. Bukod ba sa paa mo may iba pang masakit sayo? I must now para alam ko kung bibilisan ko ba ang pagdridrive." Sabi ko sa babae habang pasulyap sulyap para icheck out kung ayos pa ba siya, mamaya bigla 'tong himatayin dito mataranta pa ko lalo.
"Wala namang ibang masakit aside sa right ankle ko, sa tingin ko sprain lang 'to. And sorry din if I wasn't looking, hinahanap ko kasi yung susi ng kotse ko." Sagot niya sakin. Napahinga naman ako ng maluwag nung narinig kong mukhang sprain lang ang damage niya, pero dadalahin ko pa din siya sa ospital dahil kargo ko siya ngayon.
"By the way, anong pangalan mo?" Biglang tanong niya.
Nilingon ko siya at nakangiti siya sakin ng maluwag, parang walang masakit sa kanya kung makangiti siya ah.
"Brix Montez." Maikli kong sagot habang nagcoconcentrate na sa pagdridrive, mamaya makabangga pa ko ulit eh.
"Thank you Brix at hindi ko ko hinit and run." Biro niya, napatawa naman ako dun.
"Actually naisip ko nga yun, tutal hindi mo naman ako kilala." Sagot ko sa biro niya. Narinig kong tumawa lang din siya.
"Well but you didn't, instead tinulungan mo pa ko. I owe you one. Salamat at di mo ko pinabayaan sa kalsada." Pagpapasalamat niya.
"It's my fault anyway, good thing yan lang ang nangyari. Right uhm... ano pa lang pangalan mo miss?" Tanong ko sa kanya. Since tinanong na din naman niya ang pangalan ko.
"Catherine Torres, pero Cathy na lang." Sabi niya. Inextend niya pa ang kamay para makipag shake hands. Tinanggap ko naman yun saglit at bumalik sa pagdridrive.
Tahimik na kami ni Cathy buong byahe pero maya maya tinitignan ko siya para iassure na okay pa siya, malay ko ba kung may internal bleeding na pala 'tong kasama ko. Pero mabuti na lang wala at nakarating naman kami ng maayos sa ospital. Pinagbuksan ko siya ng pinto at inalalayan siya maglakad hanggang sa salubungin kami ng wheelchair. Dinala naman nila kaagad si Cathy sa emergency room.
"Miss pakicheck naman siya, natagis ko kasi ng kotse. Masaki tang paa niya pero pakicheck na lang din kung may ibang damages." Bilin ko sa nurse na nag aasikaso kay Cathy.
"Yes sir. Kami na pong bahala." Sagot ng nurse at inasikaso na nila si Cathy, nag hintay naman ako at naupo muna sa waiting area ng emergency room.
Pasalamat na lang talaga ako at mukhang mabait naman si Cathy, hindi niya ako tinalakan man lang dahil sa pagkakabangga niya. Swerte din na hindi siya gaanong nasaktan kung hindi dagdag problema na naman 'to para sakin. Sana nga sprain lang yun para matapos na din kaagad 'tong napasukan kong bagong problema.
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...