Chapter Five

250K 2.8K 161
                                    

Perfect Mistake Chapter Five

 

*Dylan's POV*

 

 

"Ngiting ngiti ka naman dyan kumag! May babae ka na naman 'no?" Tanong ni Cyril kay Brix na ngiting ngiti nga habang nagtetext.

"Tss. Di ako nagtetext, mobile chat mga dude. Mga taong bundok kasi kayo eh." Sagot niya samin sabay baling ulit sa cellphone niya.

Nakatambay kaming lima ngayon sa isang bakanteng room sa Academy na inangkin na namin para gawing tambayan. Wala naman kasing gumamit nito, bagong bago pa naman.

"Hoy ikaw! Ano na namang minumukmok mo dyan? Natatae ka?" Sita naman ni Nate sa tahimik na si Enzo. Ewan ko ba sa Enzo na 'to kung bakit parating tahimik. Masyado pang masikreto, sipain ko 'to eh.

"Nathan, I'd rather shut my mouth than talk trash like you." Ganti sa kanya ni Enzo. Tinawag pa siya sa tunay niyang pangalan.

"Hahahahaha! Sabog ka ngayon Nate!" Asar ko kay Nate. Durog talaga siya pag ginantihan na siya ng banat ni Enzo eh.

"Eto naman! Sorry na, binibiro ka lang eh. Wala kasing englishan!" Mukhang ewan na sagot ni Nate sa banat ni Enzo sa kanya. Sabi na nga ba walang palag 'to eh! Hahahaha!

"Nag-aaral ka di ka marunong mag english? Kawawa ka naman 'tol. Sayang utak mo, slighty used lang." Pakunwaring seryoso na sabi ni Cyril kay Nate habang tinatapik tapik pa yung balikat ni Nate.

"Noli Me Tangere!" Sigaw sa kanya ni Nate sabay tabig sa kamay ni Cyril.

"Pinagsasabe mo?" Tanong ko sa kanya habang nakataas yung dalawang paa ko sa upuan sa harapan ko.

"Touch Me Not! Huwag mo akong salingin! Nag-aral ba kayo? Yun lang di niyo alam. Tss." Pagyayabang ni Nate.

"Maarte ka. Pakain ko sayo yung textbook ng Noli dyan eh!" Sabi ni Cyril sa kanya sabay batok. Ganyan yan talaga si Cyril samin, mamamatay ka sa kabog.

"Speaking of! Come on, I'll just treat you guys to lunch." Aya ni Enzo. Ang galante talaga ng kumag na 'to, palibahasa walang girlfriend kaya walang babaeng pinagkakagastusan. Mag-isa pang nakatira sa condo niya kaya sunod lahat ng gusto.

"Uy bespren! Sabi ko na nga ba't di mo ko matitiis, alam ko namang ililibre at ililibre mo ako. Hulog ka ng langit, di ka pwede dun." Sabay akbay ni Nate sa kay Enzo. Magbestfriend talaga sila. At kabaligtaran ni Nate si Enzo. Kung anong kinatahimik ni Enzo, kinadaldal ni Nate. Kung anong kinagalante ni Enzo, kinakuripot ni Nate.  Sa babae lang yata hindi kuripot si Nate, lalo pag nanliligaw yan.

"Tara tara!" Aya na din ni Brix, pinakamatanda saming lima pero utak bata din. Ewan ko ba kung bakit napasama samin 'to? Di naman naming siya kabatch maski nung highschool dahil ahead siya samin ng isang taon pero naging tropa pa din kaming lima. Hanggang college magkakaibigan kami.

Pagdating naming sa cafeteria may mga babae na namang tumili, nagbulungan at napapansin. Minsan pati mga bakla ganun na din. Hindi naman kami ganun kasikat sa Academy dahil madami din namang ibang grupo dito, ganito naman yata lagi eh. Wala eh, mga gwapo daw kami eh.

Hindi na lang din naming pinansin yung mga nagpapansin. Ah mali pala, kaming tatlo nila Enzo at Brix ang hindi namansin kasi si Nate puro pacute tapos si Cyril naman papogi. Sarap ngang batuhin ng tray nung dalawa eh, ramdam na ramdam nilang gwapo sila. Kabwiset.

Kumakain na kaming lima ng kung ano-ano nilibre samin ni Enzo nung biglang tumayo si Cyril at may nilapitan na dalawang babae sa table na hindi kalayuan samin.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon