Si baby Zion sa multimedia! *o*
Chapter 51
*Sophia's POV*
"Zion, eat na. Say ahhh." Sabi ni Dylan kay Zion habang sinusubuan niya ng pagkain, naglalaro kasi yung bata kaya nahihirapan siyang pakainin.
Pumayag akong dito tumira samin yung bata. Wala namang magagawa ang paghindi ko, alam kong madidisappoint si Dylan. Minsan lang naman siya humiling ng ganito eh, isa pa may something dun sa bata. Malakas ang pakiramdam ko.
Yung si Alisha naman umalis din kaagad nung araw na yun, sinabi niyang may aasikasuhin siyang importanteng bagay at dadalawin na lang si Zion dito. Gusto ko sanang tumutol sa pagdalaw niya kaso alangan naman hindi niya makita ang anak niya. Hay ewan ang gulo gulo ng utak ko lately. Hindi ko na alam kung nasa tamang pag-iisip pa ko.
Kahit na hanggang ngayon hindi pa malinaw sakin kung ano nga yang bata na yan para kay Dylan. Natatakot ako magtanong kasi baka hindi pa ko ready pag narinig ko yung isasagot niya.
"Da.. da.. ddy!" Rinig kong sabi nung bata kaya napatingin naman ako sa kanya.
Nakita ko yung reaksyon ni Dylan, tuwang-tuwa siya nung narinig niya si Zion.
"Oo daddy, sige na eat na ulit bago mag-play." Tuwang-tuwa pa din si Dylan habang pinapakain niya si Zion. Sa nakikita ko mas lalong nadadagdagan yung pakiramdam ko tungkol sa kanilang dalawa. Pero kahit ganun gusto ko pa din na marinig sa bibig niya mismo kung ano nga niya yang bata na yan.
May biglang tumunog na cellphone.
"Baby, pasagot nga ng phone ko. May tumatawag eh." Sabi sakin ni Dylan, kinuha ko naman yung phone niyang nakapatong sa table. Nandito kasi kami ngayon sa sala, binabantayan ko naman si Aian na natutulog.
Incoming Call...
Coordinator Leslie
Sinagot ko din kaagd yung tawag nung wedding coordinator namin.
"Hello Les?"
"Ms. Sophia? Good afternoon po." Sagot niya sakin.
"Bakit ka napatawag?" Tanong ko din kaagad sa kanya.
"Ipapaalala ko lang po yung food tasting mamayang 3 pm. Doon na lang po tayo magmeet okay lang po? May business address naman po dun sa calling card na binigay ko."
"Ah oo nga pala, oh sige pupunta na lang kami dun ng 3 pm. See you later Les. Thank you sa pag-inform." Huling sabi ko sa kanya.
"Trabaho ko po yun, sige ma'am bye po." Tapos naputol na yung linya.
"Baby, sino yun?" Tanong ni Dylan habang pinapainom na niya si Zion. Mukhang tapos na siyang kumain.
"Si Leslie, pinaalala lang yung food tasting mamayang 3pm." Sagot ko pagkatapos kong ibalik sa table yung phone niya.
"Oo nga pala, mamaya maya mag-ayos ka na. Isama na lang yung mga bata ha?" Tanong niya ulit. Tumango lang ako, hindi naman kasi pwedeng maiwan lang sila kila Ate Doris madaming ginawa yun. Saka mas kampante pa din ako kung kasama namin si Aian, pati na din si Zion.
"Dylan..." Bigla ko na lang tinawag yung pangalan niya.
Napatingin naman agad siya sakin.
Itatanong ko na sana, tutal gustong gusto ko na din namang malaman. Pero naunahan na naman ako ng takot ko.
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...