Chapter Thirty One

146K 1.4K 38
                                    

Perfect Mistake Chapter 31

*Sophia's POV*

 

"Si Andrei 'to."

Shoot! Ano namang kailangan niya ngayon? Bakit siya bigla bigla siyang tumatawag?

"Baby ko?" Narinig kong tawag ni Dy sakin papasok ng kitchen kaya naman nagmamdali akong pinatay yung phone ko. Bahala siya kung tumawag siya ng tumawag sakin, wala naman na kaming dapat pag usapan pa e.  Isa pa ayoko ng may pag-awayan na naman kami.

"Bakit?" Tanong ko na lang sa kanya para takpan yung pagkagulat ko.

"Wala ang tagal mo kasi dyan e. Saka kukuha pala ko beer, nautusan pa ko ng mga kumag na yun." Sabi niya tapos binuksan na niya yung ref.

"Tulungan na kita." Sabi at tinunlungan ko na din siya mag ayos nung bucket. Tapos dinala na namin sa mga pasaway naming friends.

"Heaven knows what to say even though for a while you're so far away.. I hope and I pray somewhwere in your heart you'll always stay..."

 

Naks kumakanta na si Enzo, akala ko mahiyain 'to e. O baka nakainom na din kaya kumapal na din ang pes? Hahaha. 

Hanggang sa ayun may mga tama na din yung iba, lalong lalo ni si Cyril grabe ang kulit niya.

"Hindi dude! Ganyan ka naman e, nakakaselos na si Soph *hik* Mag aasawa ka lang kinakalimutan mo na kami. *hik*" Sabi ni Cyril sabay tumuturo pa kay Dy.

Si Enzo, Heart at Honey naman tawa nga tawa sa itsura ni Cyril samanatalang si Kuya Brix borlog na sa guest room. Si Nate naman may sariling mundo, Janna panagalan. Hahaha. Kanina pa 'tong dalawang 'to ah! Si Ate Zea naman ang nagsolo sa videoke.

"Selos ka?" Natatawang tanong ni Enzo kay Cyril.

Tumango naman si Cyril tapos tumuro sa puso niya. "Sakit dito oh! Dati Dy ako lang tapos ngayon may kahati na ko? Wala ka pala e, talkshit ka pare!" Weng weng niyang sagot sabay tawa.

Si Enzo naman pinagtripan pa din niya ng pinagtripan si Cyril at aliw na aliw naman sila sa mga kalokohan na sinasagot nun. Si Dy din nakikitrip na, hindi naman kasi siya masyadong nakainom dahil sinaway ko na. Aba mamaya dyan malasing sila lahat kawawa naman kaming mga girls, baka itapon na lang namin silang lahat sa labas no! Hahaha.

"Enzo tara na." Aya na ni Heart kay Enzo, siguro inaantok na siya.

"Huh? Uwi na?" Tanong sa kanya ni Enzo. Tumango lang si Heart, magkasabay nga pala sila.

"Dude, we gotta go." Paalam ni Enzo kay Dy.

"Oh uuwi na kayo?" Tanong ni Dylan sa kanila ni Heart.

"Oo e, next time na lang ulit. Halos umaga na din pala." Sagot ni Heart.

Almost 12 am na din pala kasi, hindi namin napansin dahil ang gugulo nga nila, lalo ng mga BEH. Haha.

"Kami din sasabay na, may pasok pa 'to bukas e." Singit ni Nate sa usapan referring to Janna.

"E pano 'to sila Cy?" Tanong naman ni Ate Zea kasi ayun si Cyril tulog na yata sa sofa habang inaalalayan ni Honey. Uy baka madevelop ah. Hahaha.

"Hatid ko na lang." Presinta ni Dylan.

"Hindi okay lang, marunong naman ako magdrive e. Ako na bahala sa kanya." Sagot naman ni Honey. Ninerbyos naman ako at baka hagikhik yan ng hagikhik habang nagddrive e mabangga pa sila.

"Sure ka?" Tanong ni Heart sa kanya.

"Oo naman. Kaya ko yan." Nakangiting sagot si Honey, mukhang hindi naman siya nalasing sa alak. Mukhang lasing siya sa kakatitig kay Cyril. Hahaha.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon