Chapter Eighteen *part II*

164K 1.8K 30
                                    

Perfect Mistake Chapter Eighteen II

 

*Sophia's POV*

 

"D-dylan?"

Lumapit siya samin at hinigit ako palapit sa kanya.

"Dude, dahan dahan naman." Bigla ding sumeryoso na si Cyril ng salita.

Lalo akong natakot at kinabahan nung nagsukatan na silang dalawa ng tingin.

"Back off Cyril." Matigas na sabi ni Dylan habang hawak hawak pa din yung braso ko.

Nginisian siya ni Cyril bago sumagot. "Give me one concrete reason why should I?"

Hinigit ako ni Dylan mas palapit sa kanya bago seryoso ulit na sumagot kay Cyril. "She's my girlfriend."

"Hah! Pinagloloko mo ba ako Dylan? Si Sophia na ang nagsabi sakin na wala naman kayong relasyon. Anong kalokohan 'to?" Natatawa pang tanong ni Cyril kay Dylan.

Nagulat naman ako sa sinabi niya, aalma pa lang sana ako nung naalala ko yung huling beses na hinatid niya ako. Sinabi ko nga palang wala kaming relasyon ni Dylan noon, dahil wala pa naman talaga noon eh.

Napatingin ako kay Dylan bigla, na nakatingin na pala sakin kanina pa. Halata sa mukha niyang nagulat siya at nagtataka.

"Dylan, let me expla-"

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil bigla bigla na lang binitawan ako ni Dylan at sinugod ng suntok si Cyril sa mukha. Napatumba tuloy si Cyril sa sahig na may pasa sa mukha.

"Dylan tama na!" Awat ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.

"Gago ka! Ang dami daming paglaruan si Sophia pa! Yung girlfriend ko pa! Para lang malaman mo Cyril, buntis siya! Magkakaanak na kami kaya pwede ba tigil tigilan mo na siya?!" Galit nag alit na sabi ni Dylan kay Cyril na nakapaupo pa din sa sahig sa tabi ng kotse niya.

Sinamaan lang siya ng tingin ni Cyril bago tumayo at sumakay sa kotse niya.

Hinawakan ko ulit yung braso ni Dylan pero inalis niya din kaagad yun.

"Dylan..." Hahawakan ko pa lang ulit siya pero tinabig niya na kaagad yung kamay ko. Sigurado akong galit siya. Gulo na naman 'to.

*Cyril's POV* 

 

 

"Pst. Isa pa nga. Saka pahingi na din ng madaming ice." Order ko dun sa bartender.

Badtrip na badtrip ako. Gagong Dylan yun pinasaan pa yung mukha ko! Tss. Naguguluhan ako sa dalawang yun, sinabi talaga sakin noon ni Sophia na   wala silang relasyon tapos ngayon sasabihin ni Dylan na girlfriend niya yun? Fvck naman. Hindi ko alam ang paniniwalaan ko sa kanila! Isa pang nakakagulat na sinabi ni Dylan ay yung magkakaanak na sila!

Nakakagago talaga. Bakit sa dami si Dylan pa? Yung bestfriend ko pa simula pagkabata ang boyfriend pala nung babaeng unti unti ko ng nagugustuhan. Anong kalokohan 'to? Hindi pa man din ako nakakapanligaw tablado na kaagad ako.

Aaminin ko sa sarili ko na noong una attracted lang ako kay Sophia dahil maganda talaga siya, naisip kong baka pwedeng siya ang maging flavor of the month ko. Pero noong nakilala ko siya nag iba yung tingin ko sa kanya. Di siya gaya ng ibang babae na hindi ko alam kung ano ba talagang habol sakin. Natural lang siya saka masarap kasama, kalog din nga eh.

"Sir, eto na po yung ice at yung order niyo." Nilapag nung bartender yung bucket ng ice at yung inumin ko sa harap.

Kinuha ko yung isang pirasong ice at nilagay dun sa pasa ko. Nakakabanas talaga ng sobra. Kahit kelan hindi pa ko nasuntok nung si Dylan. Nasaktan ako sa suntok ng tarantadong yun pero mas nasaktan ako sa lahat ng nalaman ko sa kanila ni Sophia. Hindi ko pa man din nasasabing may gusto na ako sa kanya tapos ganito na kaagad. Lahat nung balak ko para kay Sophia mababalewala na lang. Gustong gusto ko pa mana siyang ligawan at seryosohin pero paano pa ngayon na sila na ni Dylan? Bihira lang akong makakilala ng babaeng katulad niya kaya sobrang nanghihinayang ako. Minsan na nga lang sumeryoso sa babae, mapupurnada pa. Tsh!

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon