Chapter Twelve

214K 3.5K 269
                                    

Authors Note: 


Sobrang thank you sa mga nagbabasa, nagvote at nag-add ng PM sa reading list nila. thank you! 

 -

Perfect Mistake Chapter Twelve


*Sophia's POV*


"Anong oras yung labas mo mamaya?" Tanong ni Dylan sakin bago ako bumaba ng sasakyan niya.

"Hanggang 3 lang ang klase ko." Sagot ko sa kanya.

"Hintayin mo ko hanggang 4 ah, para sabay na tayong uuwi." Sabi niya tapos bumaba na siya ng kotse. Bumaba na din tuloy ako. Simula noong doon ako sa kanila madalas na kaming sabay pumasok ni Dylan sa school. Pag naman hindi, ipinahahatid niya ako kay Ate Zea.

Kaya sa halos araw araw na yun nasanay na din ako sa mga bulong-bulungan sa paligid namin ni Dylan tuwing makikita nila akong bababa sa kotse niya.

Nagulat na lang ako nung hawakan ni Dylan yung kamay ko sa harap nung lahat ng mga pasimpleng tumitingin at nagbubulungan sa paligid.

"Dylan?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

Hinigpitan niya lalo yung hawak niya sa kamay ko. "Hayaan mo lang sila magi sip ng gusto nilang isipin. Asarin pa natin sila lalo."

Napangiti ako sa sinabi niya kaya napalo ko siya ng mahina sa braso niya. "Loko ka talaga e 'no?"

"Ayaw mo nun naiinggit sila sayo? Hahaha!"

"Tss. Yabang!" Natatawa kong sagot sa kanya. Naramdaman kong lalo kaming pinatingin ni Dylan dahil nagtatawanan kami pero sa tingin ko tama nga siya, hayaan ko silang mag isip ng gusto nilang isipin.

Hanggang sa room namin hinatid pa ako ni Dylan habang hawak niya pa din yung isang kamay ko. Dapat ang mafeel ko ay awkwardness kasi unang beses niya 'tong ginawa sakin eh. Pero, why do I feel secured?

"4 pm ha? Wag kang magtataxi." Huling bilin niya bago bitawan yung kamay ko.

"Yes boss." Biro ko sa kanya bago ako pumasok sa classroom namin.

Pagkapasok ko sa classroom nakatitig sakin yung mga kaklase ko na akala mo may minurder akong tao. Ilang na ilang tuloy akong umupo sa pwesto ko.

"Soph! Gaga ka, you're so secretive! Kayo ba ni Dylan? Bakit hinatid ka niya sa room? Golly gosh! Dati binabangga bangga mo lang siya ngayon nagmamahalan na kayo!" Tuloy tuloy na sabi ni Krista nung umupo siya sa tabi ko.

"Ay hin-"

Hindi ko pa man din natatapos na ideny kay Krista yung akala niya, sumingit bigla si Janna. "Ah oo! Nagulat nga din ako nung nalaman ko na sila. Pero secret lang 'to friend ah! Hayaan mo na yung iba na mag isip tungkol sa kanila."

Nanlaki yung mata ni Krista sabay palo sa braso ko. "Kaloka ka Soph! Level up ka na sa boyfriend! From Andrei to Dylan! Ikaw na! Dyosa ka na sa paningin ko." Bulong ni Krista samin ni Janna.

Napangiti na lang ako ng pilit. Okay na okay kasi ang mood ko kanina, kaso ayan nabanggit na naman yung Andrei na yun.

"Oo nga eh! Oh well, hayaan mo na Kris makakahanap din tayo ng prince charming natin." Sagot ni Janna.

"I bet! Sige na, balik na ko sa pwesto ko Madam Dyosa." Tukso sakin ni Krista kaya dinilaan ko lang siya bilang sagot.

Pagkaalis na pagkaalis ni Krista tinapik ko kaagad si Janna. "Bakit mo sinasabi sa kanya na may relasyon kami?"

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon