Chapter Forty Five

131K 1.2K 41
                                    

Dedicated sa aking mahal na kuting. :"> Love love ko yang sweet na bata na yan. 

Perfect Mistake Chapter 45

 

*Sophia's POV*

 

"Home sweet home." Sabi ni Dylan pagkarating na pagkarating namin sa bahay. Sinalubong naman agad kami ng mga kasama namin sa bahay at inabot lahat ng dalang gamit ni Dylan.

"Hi Maam. Nako ang cute cute naman po ng anak niyo ni Sir." Bati ni Lara nung masilip niya si Baby Ian na tulog na tulog habang karga ko.

"Salamat." Sagot ko habang ngiting-ngiti, proud Mom eh.

Naupo muna ako sa salas habang pinagmamasdan lang si Baby Aian, tulog na tulog siya. Kamukhang kamukha ni Dylan.

"Baby, sila Mama nasa video chat." Tumatakbo pa si Dylan pababa habang bitbit bitbit yung laptop niya. Nilapag niya naman yun sa center table sa sala namin at nakita ko nga sa screen si Mama Dea at Papa Zeus sa magkaibang webcam.

"Hija, kamusta?" Nakangiting bati ni Mama sakin. Umupo naman si Dylan sa tabi ko.

"Okay lang po, sayang hindi na kayo nahintay ni Baby bumalik." Natatawa kong sabi sa kanila. Gusto ko pa naman na nandito din sila pg lalabas na si baby.

"Oo nga eh, mukhang excited yung apo namin. Pwede ba siyang makita?" Tanong ni Papa Zeus.

Tumango ako kaagad tapos ipinaharap ko ng buhat konti si Baby Aian para makita nila Mama at Papa sa screen.

"Aba ang taba namang niyang bata na yan." Halos sabay pang sabi ni Mama at Papa habang tumaawa.

"Maniniwala ba kayong kulang sa buwan yang batang yan?" Sabi ni Dylan sabay tapik ng mahina sa pisngi ni Baby Aian.

"Mama, Papa si Dylan po parating pinanggigigilan si Aian, gustong gusto na niyang kurut-kurutin sa pisngi." Pagsusumbong ko sa kanila.

"Nako pagdating ng Lolo niya panggigigilan din yang bata na yan." Sabi ni Mama.

"Aba Dea, ayoko pang patawag ng Lolo hindi pa naman maputi ang buhok ko." Sagot ni Papa kay Mama.

"Ang arte, matanda ka naman na. Ano pang gusto mo Popsy? Ang baduy mo Zeus ha. Wag ka ng pabata." Natatawang biro ni Mama sa kanya. Tawa din naman kami ng tawa ni Dylan sa asaran nila, nakakamiss din pala silang makasama sa bahay.

"Ano nga palang ipinangalan niyo sa baby?" Pag-iwas ni Papa sa asar ni Mama.

"Destine Sofian po." Sagot ko.

"Ang ganda ganda naman." Nakasmile na naman si Mama Zea pero mukhang naluluha din siya, unang apo kasi si Aian.

"Aian po ang nickname niya. Si Ate Zea po ang nagbigay nun." Singit naman ni Dylan.

"Bagay, pang gwapong palayaw." Sabi ni Papa Zeus sabay tawa.

"Kelan po ba kayo uuwi?" Tanong ni Dylan sa kanilang dalawa.

"Ako in 3 days na, malay ko dyan sa Papa mo. Basta ako excited na akong makita ang apo ko." Sagot ni Mama Dea kay Dylan.

"Syempre in 3 days din para magkita tayo sa airport. Kunwari ka pang excited makita ang apo natin, ako lang naman ang gusto mong makita." Kunwari seryosong sabi ni Papa habang halata naman na nagpipigil siya ng tawa.

"Heh! Ewan ko sayo, tigil tigilan mo nga ako." Inis na sabi ni Mama. "Oh siya, magpahinga na kayo. Alam ko naman na pagod pa kayong parehas, pupunta kaagad kami dyan pagkauwi namin."

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon