Chapter Six

230K 2.7K 64
                                    

 Perfect Mistake Chapter Six


//Sophia's POV//



Wala ni isa saming tatlo ang nakasagot dun sa babae. Pakiramdam ko ang taray taray niya na pag sumagot ako, babarahin niya ako.

"Sinong buntis? Anong ibig sabihin nito Dylan?" Tanong ulit nung babae kay Dylan habang nakapamewang pa.

"Tell me what's going on here, now." Mahina pero full of authority na sabi nung babae. Nakakapagtaka naman yung reaksyon ni Dylan, parang takot na takot siya dun sa babae. Hindi kaya girlfriend niya 'to?

"K-Kasi... ano..." Halos mabulol bulol na sagot ni Dylan pero wala din naman siyang nasabi. Kung siya pa hindi nga makapagsalita, lalo naman ako.

"What? Stop stuttering and answer me. Sino ang buntis?" Madiin ulit na tanong nung babae. Tinignan ko siyang maigi, para kasing...

"Ate, she's pregnant. Si Sophia." Sabi ni Dylan sabay tingin sakin.

Ate? Kapatid niya 'to, tama nga ako. Kaya pala magkahawig sila at kaya din pala mukhang takot at ninerbyos si Dylan na magsalita. Pati tuloy ako lalong ninerbyos! Naman. Ano na lang ang sasabihin sa'kin ng ate niya pag nalaman na nabuntis ako ng di naman kami magkakilala? Kahiya hiya ako!

"What?! Dylan, umalis lang ako for a few months para sa business ko tapos pagbalik ko magkakababy ka na? Kung hindi ko pa kayo narinig hindi mo pa sakin sasabihin na buntis ang girlfriend mo!" Parang pagalit na sinabi ng Ate ni Dylan.

Halos lumuwa naman yung mata ko sa gulat sa huling sinabi ng ate niya. Napagkamalan pa akong girlfriend ni Dylan!

"Ah ano po.. hindi po.. nagkakama-"

"Ngayon lang kasi sinabi ng girlfriend ko Ate!" Pinutol ni Dylan yung sasabihin ko.

Mas lalong nanlaki yung mata ko! Anong sinabi niya? Bakit niya sinabi na girlfriend niya ako! Tinignan ko si Dylan na parang nagtataka, pinanlakihan niya naman ako ng mata. Anong problema nito?

"So you're my brother's girlfriend huh?" Tanong nung Ate niya pagkabaling sakin. Seryoso yung mukha niya, yung parang nanunuri ba siya o nang iintimidate. Pinilit kong wag kabahan dahil natatakot ako sa sasabihin ng ate niya patungkol sakin.

"O-opo." Hindi ko alam kung bakit yan din ang lumabas sa bibig ko. Pero there's no taking it back kaya sinakyan ko na lang yung sinabi ni Dylan kanina.

"Relax dear." Biglang ngumiti yung ate niya sakin. Parang biglang nagshift from mataray to mabait. Ibang iba yung aura niya kesa kanina. "I'm sorry for my brother's irresponsibility. What's your name?" Nakangiti pa ding tanong nung Ate ni Dylan.

Si Janna naman mukhang nalunok na yung dila niya simula nung dumating yung Ate ni Dylan, nakakaintimidate naman kasi talaga yung aura niya kanina. O baka ganun lang siguro siya talaga sa umpisa.

"Sophia po. Sophia Ramirez."

"Wow! Ang ganda ng name mo. Sorry kanina if I intimidated you guys. Nagulat kasi ako sa topic niyo at isa pa first time ko kayo makita sa bahay namin. Hindi ka kasi formally inintroduce sakin ng kapatid ko." Sabay irap niya kay Dylan. "I'm Zea Darleen Elizalde. Pero you can call me Ate Zea." Sabi niya sabay yakap sakin.

Medyo nagulat naman ako, akala ko talaga magagalit siya pagkatapos niyang malaman na buntis ako. Lalo pa bata pa naman kami ni Dylan at nag-aaral pa kami. Pero kahit ganun niyakap ko na lang din yung Ate niya.

"Ikaw pretty lady? What's your name?" Tanong ni Ate Zea kay Janna.

"Eh sissy pretty daw ako." Bulong sakin ni Janna bago sumagot kay Ate Zea. "Janna Reyes po. Nice meeting you po, bestfriend po ako ni Sophia." Nagyakap din sila sandali pagkatapos nun.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon