Chapter Forty Nine

116K 1K 73
                                    

Carlo po sa multimedia. Di siya mukhang ganster dyan haha. 

Perfect Mistake Chapter 49

*Author's POV*

Hindi pa nakakapasok ng race arena si Cyril rinig na rinig na niya mula sa loob ang sigawan ng mga tao, pinublicize pa pala ang laro nila. Kahit na medyo bothered siya at madaming iniisip ay excited pa din siya sa laban, matagal tagal na din kasi siyang hindi nakakapagrace. Pagkapasok niya sa parang waiting area nila bago magrace ay hininto na niya ang sinasakyan niya, agad naman siyang sinalubong ng mga kagrupo.

"Tol ang tagal mo ah." Bati kaagad sa kanya ni Brix na mukhang kagaya niya ay problemado din.

Babaero ka kasi. Nasabi ni Cyril sa isip niya. Hindi man lang inalala na babaero din siya.

Nilingon niya yung mga kasama, may kulang.

"Nasan na si Dylan?" Paghahanap niya sa kaibigan. Sinabihan na kasi niya si Dylan tungkol sa laban nila pero hindi sila sinipot ngayon.

"Alam mo naman yun, baka hindi makatakas sa asawa at anak niya." Seryoso lang na sagot ni Nate sa tanong ni Cyril. Napansin niyang lahat ng kasama niya may toyo ngayon. Maski si Nate na bano kung sumagot ay nagiging matino.

"Wala pa ba yung mga asungot?" Tanong niya ulit. Naiinip na siya, gusto na niyang simulan yung laban pero yung mga humamon sa kanila ay wala pa.

"Alam mo naman yung hoodlum na yun, ang hilig magpaVIP." Biglang sulpot si Carlo sa harapan nila.

"Woah why are you here?" Nakasimangot na tanong ni Enzo kay Carlo, sa kanilang lahat siya ang pinaka may topak.

"Syempre pupusta ako sa inyo, alam ko namang yayaman ako dito." Nakangiting sagot ni Carlo, siya lang ang good mood sa kanilang lima. Malaki kasi ang ipinusta niya na grupo nila Cyril ang mananalo at sigurado siya doon.

Tinapik ni Brix yung balikat ni Carlo. "Yung mga alaga mo nandyan na ba?"

Tumango si Carlo bago uminom ng rootbeer na hawak niya at nagsalita. "Nandyan lang yan sa mga tabi-tabi, pinakalat ko sila para madaling makaresbak."

Napangiti si Brix at Cyril, nakarkula na nila ang mangyayari sa laban pati ang mangyayari pagtapos nito. Sana lang umayon ang lahat sa plano nila.

"Ayan na pala ang mga asungot." Nakangising sabi ni Carlo sabay turo sa kabilang direksyon kung nasaan silang lahat.

Dumating na ang grupo ni DK, pitongng kotse ang sinakayan nila. Ganoon sila kadami tuwing may laban, parang mga takot na maisahan sila sa dami ng alalay na bitbit.

Duwag. Pare-parehas na sabi nila Nate sa isipan nila.

Isang malaking duwag si DK sa paningin nila dahil kahit kelan laging pailim siya kung tumira sa kanila. Masyado niya kasing sineseryoso ang bawat pagkatalo sa laban nila pero hindi naman nadadala, paulit-ulit pa ding naghahamon.    

"Simulan na yan." Confident na sabi ni Cyril habang nakangisi sa mga kalaban. Pagkasabi niya noon ay isa-isa silang pumunta sa gitna habang papaliapit din sila DK at ang mga alalay nito.

"Buti naman tinanggap niyo na ang hamon ko." Mayabang na sabi ni DK nung magkakaharap na sila.

"Puro ka satsat mukhang hindi ka naman nagtoothbrush, umaalingasaw ka dito." Pambwibwiset ni Cyril sa kalaban nila pero di gaya ng dati, hindi nnapikon si DK. Ngumiti lang siya, ngiting parang may binabalak.

"Mukhang kulang kayo ha? Nasan ang mayabang na yun?" Palinga-linga pa si DK habang nagtatanong. Hinahanap niya kasi ang leader ng grupong gustong gusto niya makalaban.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon