Chapter Sixty Eight: FINAL CHAPTER

165K 1.8K 263
                                    

Note: Yung italicized paragraphs po ay flashback scenes

 

Perfect Mistake

 

The Final Chapter

 

Chapter 68

 

Sophia's POV

 

Tumigil ang paghinga ko. Nanlamig ako. Namanhid ang buong sistema ko, wala na akong maramdaman kahit ano.

Hindi. Hindi pwede 'to.

Gusto ko siyang puntahan, gusto kong tumakbo papunta sa kanya pero nanghihina ako sa pwede kong makita. Napagdaop ko na lang yung dalawa kong palad at tinakip yun sa bibig ko habang umiiyak. Hindi ko pa man din napapatunayan sa kanya na hinding hindi ko siya kayang lokohin. Hindi ko pa man din naitatama ang mali niyang iniisip na hindi ko siya mahal.

Parang noong nakaraang araw lang pinag uusapan namin kung ano na ba kami after 10 years. Sinabi ko pa sa kanya na lahat naman magbabago except my love for him. Pero bakit ganito? Bakit kailangan pang mangyari sa amin 'to? Bakit kailangan nilang saktan si Dylan ng ganito dahil lang iba ang minahal niya? Hindi ako makapaniwalang may mga taong kayang gumawa nito, at mga kaibigan pa niya.

Napahinto ako sandali sa pag-iyak ng may taong pilit na nagtayo sakin kung saan ako nakaluhod. Si Nate. Nagkaroon ako ng konting pag-asa. Nagawa kong magsalita kahit halos paos na boses lang ang lumabas dito. "Nate, si Dylan. Si Dylan. Hindi siya pwedeng mamatay, hindi niya ako pwedeng... Nate si Dylan." Bumagsak na lang ang mga braso ko sa mga braso ni Nate at nanghina na naman ako. Hindi na naman tumigil ang luha ko sa pag-agos. Doon ko lang din nakita at napansin na basang-basa na ng luha ang buong mukha ni Alisha. Umiiyak na si Zion at Aian na para bang naiintindihan na nila ang nangyayari.

Pero ang lalong ikinadurog ng puso ko ay ng makita ko sina Kuya Brix, Cyril at Enzo na pinanonood lang kami pero wala silang ginagawa. Wala silang ginagawa para tulungan si Dylan. Para siguraduhin na buhay pa nga siya. Wala. Maski si Nate na ang ginagawa lang ay patahin ako. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito. Tinalikuran ba nilang lahat si Dylan? Pero magkakaibigan sila!

Sumiklab yung puso ko sag alit kaya kahit hinang hina ako at pagod na sa kaiiyak nagawa kong itulak si Nate at sigawan. "W-wala ka bang gagawin?! Hahayaan mo na lang bang ganito ang mangyari?!" Bumaling ako sa tatlo pang traydor na kaibigan ni Dylan. "K-ayo?! Wala ba? Hahayaan niyo na lang mamatay..." Nasamid pa ako ng sabihin ko iyon at muling bumuhos ang luha ko. Napakahirap sabihin ng salitang kahit kailan ayokong manyari kay Dylan. Pero kailangan kong ipamukha sa kanila ang ginawa nila. "...yung kabigan niyo. Magkakasama kayo simula mga bata pa kayo. Bakit?" Galit nag alit kong tanong sa kanila hanggang yung lakas ng boses ko ay unti-unting naging hikbi. "Bakit? Bakit si Dylan? Bakit siya? Bakit?"

Hindi na din nagawang makalapit ulit ni Nate. Lahat sila'y nakatingin lang sakin na walang ekspresyon. Wala. Kahit man lang awa o pagkahabag.

Sa gitna ng pag-iyak ko may isang babaeng tumawa. Napalingon ako sa kanya at agad na sumama ang tingin ko. Halos takbuhin ko na ang kinaroroonan niya para lang sabunutan siya dahil alam ko naman na siya ang may pasimuno ng lahat ng ito. Nahawakan lang ako sa braso ni Nate at nagpipiglas pa din ako dahil sa galit ko sa babaeng 'yun.

Tumawa lang ng tumawa na parang baliw si Prim pero hindi siya nagsasalita. Tumawa siya na akala mo nanonood ng isang sitcom, na akala mo may nagbitaw ng isang nakakatawang joke, na parang may isang lalaking nadulas sa harapan niya kaya pinagtawanan niya ito. Tumatawa siya habang kami umiiyak. Pero sa wakas narinig ko din ang boses niya. "Wala na siya di ba? Makakalimutan ko na siya kasi wala na siya di ba?" Pagkatapos noon ay tumawa ulit siya dahilan para pumiglas na naman ako kay Nate.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon