Special Chapter #3

77.5K 985 158
                                    

Perfect Mistake

Special Chapter #3

**ZEA**

"Bee, could you drive slower? Nahihilo ako." Utos k okay Brix habang hawak ang sentido ko. Sobrang hilong-hilo na talaga ako pero kailangan ko pa ding pumasok. Madami kasing papers na kailangan pirmahan at designs na kailangan i-approve. Busy week.

"Sabi mo kanina, malalate ka na kaya binilisan ko. Tapos ngayon bagalan ko? Tapos pag nalate ka makakatikim na naman ako ng malupit na flying kick. Ano ba naman Zee?" Reklamo niya na may halong pang-aasar.

I rolled my eyes at him. "I don't feel well today Brix, kaya please wag mo ko asarin ha?"

"Sabi ko naman kasi sayo wag ka ng pumasok kung hindi mo kaya. I'm willing to take the day-off too para bantayan ka. Tigas ng ulo mo." He said in a concern yet serious tone. Alam naman niyang hindi pwede, ilang beses ko pang uulitin.

"I can't. Just shut up and drive, please?" Nagtitimpi na inis ko ng sabi sa kanya.

"Lagi naman. Bawal akong magsalita, bawal akong maging concern sa asawa ko. Okay, I get it." He said sarcastically kaya tinanggal ko ang kamay ko sa ulo ko.

Tiningnan ko lang siya habang nagdridrive. He is clenching his teeth. "Please don't start a fight, Brix."

Napapikit siya at sumulyap sakin. "Ako pa ngayon? Ako na naman? Wow. Thanks Zea, salamat ha?"

I fell silent. Pinipigilan ko ang sumagot. Kasi pag nagsalita ako siguradong mag-claclash lang kami. Ayokong mag-away na naman kami ni Brix. Gusto ko na lang talaga na makarating sa office para makapagcooldown.

Pero si Brix naman ang ayaw magpaawat. "Sobra sobra ka na naman sa trabaho. Hindi na nga kita halos makita, hindi na kita makausap. Gusto kitang ayain magdinner pero hindi ka pwede. Sa umaga lagi kang nagmamadali, pag uwi natin sa gabi pagod na tayo parehas. Hindi ko maramdaman na may asawa pa ko Zea."

"Sorry. I'm trying, Brix. Nakikita mo naman. Hindi naman madali na mag-adjust agad sa married life. It's stressful! It's depressing!" Napatigil ako sa sinabi ko. No. I couldn't have said that too loud. No.

"Depressing?" Natawa siya ng pasarcastic. "Hindi ko alam kung anong masasabi ko dyan. Hindi ko alam na nakakadepress pala ang mag-asawa." Mas binilisan niya ang pagdridrive kaya mas naramdaman ko ang pagkahilo ko.

"Are we going through this again? Akala ko ba nagcompromise na tayo?" Paalala ko.

"Baka ikaw ang nakakalimot sa pinag-usapan natin. Di ba pinangako mo sakin na mag-brebreak ka from all the hard work? Hindi naman ito para sa akin lang. Have you looked at the mirror lately?" Natahimik ako. Ofcourse I had. And I didn't like what I saw. "You look thinner and stressed. And to top it all, you look so unhappy and it hurts me a lot Zea. Nasasaktan akong nakikitang ganyan ka, na nadepress ka pagkatapos ng kasal. Ano bang problema sakin?"

"I have reasons, Brix." I half whispered.

"Then what is it? Sabihin mo sakin kung bakit? Hindi ko naman 'yun kayang hulaan Zee. Please, para magkaintindihan tayo." Pagmamakaawa niya. Kung kanina galit at seryoso na siya, ngayon he sounds concerned and pained. Huminto na ang sasakyan niya sa tapat ng office.

I reached out my hand to touch his face. "Basta please don't get mad. I don't regret my choice of marrying you. I have to tell you something soon. So please, intindihin mo muna ako ngayon. I promise you, babawi ako from all these."

He nodded but didn't say anything. Naaawa na ako kay Brix, really. Gustong gusto ko ng sabihin sa kanya ang kundisyon ko para maintindihan niya kung bakit ako ganito ngayon. At kung bakit sobrang binubuhos ko ang atensyon ko sa trabaho.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon