Perfect Mistake Chapter Fourteen
*Sophia's POV*
Ang daming batong maliit sa sahig ng terrace namin! Aba naman! Sinong nambabat-
*puk!"
"Aray ah! Sino bang nambabato dyan?! Baka mabasag yung salamin ng pin.. to namin..." Nautal ako nung biglang lumiwanag sa labas, sa may garden.
Nakita ko si Dylan na nakangiti sakin mula sa babae kasama yung isa niyang kaibigan, si Brix Montez.
Hindi na ako nakapagpigil. "Hoy Dylan ka! Ikaw ba ang bumabato ng pinto? Tinamaan kaya ako sa ulo!" Inis na inis kong sabi sa kanya. Kasi naman siya, ano bang ginagawa nila sa baba?
"Uy Soph! Hindi ako yung bumabato! Si Brix yun!" Sabay turo niya dun sa kasama niya.
"Wag ka nagng sinungaling Dylan!" Sagot naman ni Brix sa kanya na may hawak na gitara. Ano bang gagawin nila sa gitara na yan?
"Ano bang ginagawa niyo dyan sa baba?! At bakit puting puti yang suot mo?! May burol ba?" Sigaw ko kay Dylan. Para naman kasing abnormal eh, naka all white pa.
"Bwahahahaha! Epic!" Natawa naman yung kasama niya kaya binatukan siya ni Dylan.
"Mag gitara ka na nga lang dyan,." Angil niya dun sa kasama niya kaya nagsimula ng magstrum ng gitara yung si Brix.
Tumingin naman si Dylan sakin.
~ The dawn is breaking, our light shining through
You're barely waking, and I'm tangled up in you yeah~
Nagulat ako nung sinabayan niya ng kanta yung tunog ng gitara. Hindi ko alam na marunong din pala siyang kumanta.
~ But I'm open you're closed, where I follow you'll go
I worry I won't see your face, light up again
Even the best fall down sometime
Even the wrong word seem to rhyme
Out of the doubt that fills my mind
I somehow find you and I, collide~
Unti unti na akong napangiti habang tinitignan ko lang si Dylan na kumakanta. Alam ko namang hindi siya magaling kumanta dahil may parte na nawawala siya sa tono pero atleast he's trying.
~ I'm quiet you know, you make our first impression
But I find I'm scared to know I'm always on your mind
Even the best fall down sometime
Even the stars refuse to shine
Out of the back you fall in time
I somehow find you and I, collide
Don't stop here, or lost my place
I'm close behind ~
At napahanga din ako sa guitar skills nung si Brix. Alam ko 'tong kanta na 'to eh, ilang beses ko na 'tong naririnig pero hindi ko alam na ganito na lang ako kikiligin sa kanta na 'to ngayon. Titig na titig lang ako sa kanya habang nakangiti at ganun din naman siya sakin. Hinarana ako ni Dylan. Isang lumang style ng panliligaw pero hindi pumapalyang magpakilig.
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...