Chapter Ten

199K 2.4K 75
                                    

Perfect Mistake Chapter Ten

 

*Dylan's POV*

 

Naglakad ako papunta sa kanila. Tumayo naman kaagad si Sophia pagkakita niya sakin. Lumapit ako sa kanya at pumunta sa tabi niya.

Nakita ko na yung mukha nung lalaking kausap niya. Hindi siya pamilyar sakin.

"Ah Dylan si Andrei pala." Pagpapakilala niya. "Ex-boyfriend ko."

Napatitig ako dun sa lalaki. Parang napangisi pa siya nung ipakilala siya sakin ni Sophia bilang ex-boyfriend.

"Babe!" May biglang dumating na babae sa harapan namin at yumakap dun sa Andrei na yun. Yung lalaki naman bigla siyang hinalikan sa labi.

"Si Chesca pala. Girlfriend ko." Proud na sabi nung lalaki samin.

"So babe, siya pala si Sophia? Yung ginamit mo to get over me na fortunately ay hindi nangyari?" Nakangisi ding sabi nung babae.

Para namang umakyat lahat ng dugo ko sa narinig kong sinabi nung babae. Lalo pa nung nakita kong hindi komportable si Sophia na kaharap yung dalawang yun.

Inakbayan ko si Sophia at hinalikan sa gilid ng noo niya bago ko pinakilala sa kanila yung sarili ko. "Ako nga pala yung fiancé ni Sophia. Dylan Elizalde."

Nakita kong napanganga yung dalawang nasa harapan namin. Kung sa Hillsdale Academy sila nag aaral malamang kilala nila ang pangalan ko.

Napantingin naman sakin si Sophia na halatang nagulat sa sinabi ko pero nginitian ko lang siya. Binalingan ko na ulit yung dalawang kaharap namin. "Mauna na kami sa inyo ha? Maglulunch na kami, baka kasi gutom na yung fiancé ko."

Hinigit ko na si Sophia palayo sa kanila at palabas ng department store habang nakaakbay pa din sa kanya.

"Saan mo gusto kumain? Gusto mo ba ng Japanese food?" Tanong ko sa kanya habang nagpapalakad lakad kaming dalawa sa mall.

"A-ah sige."

Pumasok kami sa isang Japanese Restaurant at umorder.

"Pork Tonkatsu sakin Dylan saka red iced tea." Sabi ni Sophia sakin bago siya humanap ng upuan namin.

Ako na yung umorder ng mga pagkain namin sa counter.

*

"Sophia." Tawag ko sa kanya habang kumakain kami.

Hindi siya sumagot pero tumingin lang siya sakin.

"Yung sinabi nung babae kanina? Totoo ba yun?" Tanong ko sa kanya.

Tumigil siya sa pag nguya ng kinakain niya at uminom muna bago tumango. "Yung araw na naglasing ako sa bar, yun yung araw na nakipagbreak siya sakin para sabihin na ginamit niya lang ako para pagselosin yung ex niya."

Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. Natandaan ko yung gabi na may nangyari samin. Iyak siya ng iyak nun at kung ano anong binubulong niya na hindi ko naman maintindihan. Kaya din pala lasing na lasing siya nun.

"Okay ka lang ba?" Nag aalala kong tanong sa kanya. Mukha kasing nawala din siya sa huwisyo niya simula nung nakita namin yung ex niya kanina. Hindi nga siya nang-aaway eh, tahimik lang siya.

"Ha?" Tanong niya tapos yumuko siya. "Oo naman, ayos lang ako." Sabi niya bago sumubo ulit.

"Hindi ka ayos." Sagot ko sa kanya. Halata naman kasi sa kanya eh.

"Hayaan mo na yun Dylan. Madami na din naman akong narealize simula kanina. Hindi ko na dapat iniisip yung mga ganung klase ng tao. Yung mga walang kwenta." Sagot niya tapos tinuloy niya lang yung pagkain niya.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon