Chapter Forty One

135K 1.2K 77
                                    

I'm officially back on Wattpad. <3

 

Perfect Mistake Chapter 41

 

[Nathan]

 

 

Sumakay ako agad sa kotse ko at nagdrive ng mabilis papunta sa Black Griffin bar. Habang nagdridrive ako madaming kung ano anong scenario ang pumasok sa isip ko. Merong naupakan si Brix, o kaya nanghipo ng chiks si Brix, o kaya nanghalik ng lalaki. Oo alam ko puro kagaguhan yung naiisip kong scenario, di naman kasi usual na sitwasyon 'to eh.

Ilang minuto ang nakarating na din ako sa parking lot ng Black Griffin, papasok pa lang ako ng parking lot naaninag ko na kaagad si Carlo, Brix at mga tatlo pang lalaki na hula ko ay schoolmates namin.

Binati ko agad sila pag kababa ko ng kotse. "Pre, may problema ba dito?" Dun ko lang napansin yung 6 na lalaking nakaluhod sa harapan nila, mukhang mga teenager lang.

"Tol, ginagantihan tayo." Sagot ni Brix habang nakatitig lang dun sa 6 na lalaki sa harapan namin.

"Buti napadaan kami ng tropa dito, matatapang 'tong mga batang 'to. Siguro nabayaran." Sagot naman ni Carlo samin.

"Ano bang nangyari?" Tanong ko sa kanila. Hindi naman kasi magkwento ng buo 'tong mga kumag na 'to. Manghuhula pa ba ko?

"Binutas nila yung gulong ko. At nung nahuli ko yung isa sa kanila may sumapak sakin. Kuyugin pa ko netong mga 'to." Halatang inis na inis na sabi ni Brix. Isa sa ayaw niyan yung napagtutulungan siya eh.

"Sino namang gagawa nito?" tanong ko ulit sa kanila. Malamang sa ngayon alam na nila kung sino dahil mukhang kampante na sila.

"Si DK. Sino pa ba?" Pikon na pikon na sagot ni Brix sakin.

"Oh di nga? Hanggang ngayon pa din ba? Ang tagal tagal na nun ah." Sagot ko sa kanila. Simula kasi nung nangyari noon kay Dylan hindi na namin ulit sila kinalaban kahit naghahamon sila.

"Mga duwag naman kayo. Bakit hindi niyo labanan si Kuya?" Biglang sabad nung isang lalaking nakaluhod.

"Kapatid mo pala si DK? Tsk tsk. Kawawa ka naman." Napapailing na sabi ni Carlo dun sa bata. Kaya pala mukhang pamilyar siya.

"Di kami duwag sa kuya mo. Nag-iingat lang kami, hindi kasi kami lumalaban ng patraydor."  Dagdag pa ni Brix. Tama nga naman siya, hindi naman kami takot lumaban dun. Alam naman namin na kaya namin sila, lalo na si Dy. Sadyang maduduga lang yung grupo nila DK kaya ayaw namin silang makalaban ulit.

"Anong plano niyo sa mga 'to?" Tanong ko dun sa dalawa habang sinisipat yung anim na lalaking may mga sugat sa mukha. Lokong Carlo 'to mukhang inupakan na yung mga bata.

"E di pauwiin sa lungga nila." Sabi ni Carlo sabay smirk. Mahilig talaga sa gulo 'tong tao na 'to. Hinawakan niya sa kwelyo yung lalaking sumabad samin kanina at inangat.

"Oy Drake Santiago, sabihin mo sa kuya mong hilaw na kung gusto niya ng gulo ako ang hanapin niya." Nakasmirk niyang sabi tapos tinulak ng mahina yung Drake na yun.

"Alis na bago magbago ang isip namin." Sagot namin ni Mac na katropa ni Carlo.

Agad namang nagsitakbuhan yung lima except kay Drake na tumingin pa ng masama saming lahat bago umalis. Mukhang siya nung tipo na hindi nagpapatalo sa away.

"Ayos ka lang 'tol?" Tanong ko kay Brix sabay tapik sa balikat niya.

"Gagu yung mga bata na yun, nadali yung gilid ng labi ko ah." Naksimangot niyang sagot sabay hawak sa gilid ng labi niya.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon