Chapter Twenty Seven

145K 1.5K 56
                                    

Perfect Mistake Chapter 27

*Sophia's POV*

 

 

"Ano ready ka na ba?" Tanong sakin ni Ate Zea habang inaayusan ako ng buhok ng isang stylist. Ngayon na kasi yung photoshoot na sinasabi ni Ate Zea.

"Opo ate." Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Imee, tapusin mo na agad yan ha." Baling ni Ate dun sa stylist.

"Yes ma'am Zea." Sagot nito sa kanya tapos tinuloy yung pag-aayos ng buhok ko.

Nagvibrate bigla ang cellphone ko. 

From: Babyhubby ko

Baby, nasan ka? Kakadating ko lang sa bahay. I miss you. 

Haaaay. Ayan na naman si Dy. Nagpapakasweet na naman, ako naman 'to parang gaga. Hanggang ngayon kasi cold treatment pa din ako sa kanya. Naiinis pa din ako pero aaminin ko miss na miss ko na si Dy. Ilang araw na din na halos hindi ko siya kinakausap. Kagabi sa kwarto na namin siya natulog pero hindi ko siya hinaharap. Pag gising ko naman wala na siya pero nag-iwan siya ng note. Iniisip ko na din sana na kausapin siya. Nahihirapan din naman ako sa sitwasyon at talagang miss ko na siya. Sobrang miss ko na si Dylan.

"Ma'am, wag po kyong iiyak. Masisira yung make-up." Biglang sabi ni Imee.

"A-ah. Sorry ha." Hindi ko kasi napansin na maluha luha na pala ako.

Inabutan niya kaagad ako ng tissue at dahan dahan ko pinunasan yung mata ko para hindi masira yung make-up.

"Ayan, malapit na matapos yung buhok mo ma'am Sophia." Pinagpatuloy niya yung pag ayos ng buhok ko.

"Ilang months na yang baby mo Ma'am?" Tanong niya bigla sakin.

"6 months na din." Tipid kong sagot. Nag-eemote pa ko e, pero naisipan ko na din replayan si Dy.

To: Babyhubby ko

Photoshoot with Ate Zea.

Oo na ako na inarte! Gusto ko lang naman mag effort siya sa pagsuyo at gusto ko din na matandaan niya yung ginawa niya para hindi na maulit. Para madala na siya.

"Eh ma'am kaano-ano mo po si Ma'am Zea? Saka kilala niyo po ba yung kapatid niya?" Tanong niya ulit sakin. Medyo matanong nga yung stylist na 'to.

"Si Dylan? Oo bakit?" Sagot ko na lang sa kanya.

"Hihi. Ang gwapo niya 'no Ma'am? Crush ko yung kapatid ni Ma'am Zea eh." Kinikilig kilig niya pang sabi. Natawa ako ng mahina, iba talaga 'tong Dylan na 'to.

"Asawa ako ni Dy." Natatawa akong sumagot sa kanya. Tapos siya nagulat naman tapos biglang namula.

"Hala Ma'am? Sorry po. Hindi ko po alam na may asawa na si Sir Dylan. Naku Ma'am sorry po. Sana wag niyo sabihin kay Ma'am Zea. Paghanga lang naman po eh." Natataranta at sunod sunod niyang sabi sakin.

Hinawakan ko siya sa balikat. "Hindi 'no, ayos lang yun. Natawa nga ako e, dami pala nagkakacrush dun? Hahaha."

Nakalma naman siya sa sinabi ko at pinagpatuloy yung ginagawa niya at pagkwekwento. "Ay nako Ma'am halos lahat po kaya ng staff ni Ma'am Zea, kahit bakla may crush sa kapatid niya. Ang gwapo po kasi e. Hihi. Pati po mabait siya kaso minsan parang buringot."

"Buringot?" Natatawa kong tanong sa kanya. Ngayon ko lang kasi narinig yun. Ang kulit talaga nitong si Imee, ang glamorosa niya tignan pero ang daldal niya.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon