Chapter Sixty Four

88.1K 928 27
                                    

Chapter 64

 

Nate's POV

 

 

Dahil sa pagpipilit ni Mommy na lumabas ako ng kwarto wala na akong nagawa. Ilang araw na din kasi akong nagkukulong, halos hindi ko na nga mabilang.

"Anak, saan mo gustong kumain?" Masayang tanong ni Mommy mula sa shotgun seat habang nasa driver seat naman si Daddy. Dahil bunso at walang ginagawa ako tuloy ang napagdiskitahan nilang isama maglunch sa labas. Sumama na din ako, masyado na ding nakakalungkot sa loob ng kwarto ko.

"Ikaw na pong bahala, Mommy." Sagot ko sabay tipid na ngiti. Pinipilit ko namang umaktong masaya sa harap ng mga magulang ko dahil kahi hindi nila ipakita alam kong nag-aalala sila kung bakit nagmumukmok ako sa kwarto ko. Siguro iniisip nilang nasisiraan na ako ng ulo, sa palagay ko tama nga sila. Masisira na yata ang ulo sa pagkamiss ko kay Janna, pati na din sa mga kumag kong kaibigan.

Gusto ko na ngang umiyak dahil nakakapagod palang itago lahat sa sarili ko 'tong mga nararamdaman ko. Kaso hindi ako pwedeng umiyak ngayon, pag nakita ni Mommy 'to siguradong maghihysteria siya. Ayoko ng madagdagan 'yung mga alalahanin niya dahil sa pasaway niyang bunsong anak.

 Huminto yung kotse ni Daddy sa tapat ng paboritong restaurant niya, isang Japanese Restaurant na malapit sa school niya noong Highschool pa daw siya. Pagkapark niya ng sasakyan bumaba na din kami ni Mommy.

Pagpasok namin sa loob ng restaurant parehas kaming nagulat sa kung sino pa din ang mga nandoon.

"Jairus?" Tanong ni Daddy doon sa pamilyar na pamilyar na lalaking nasa harapan niya.

"Nilo! Good to see you again! Akalain mo ba naman pumupunta ka pa din dito?" Sagot naman ng Papa ni Janna. Nandito din sila ng pamilya niya.

"Oo naman Jairus, dati nating tambayan 'to pagkatapos nating maglaro ng Soccer!Hanggang ngayon masarap pa din ang pagkain nila dito." Sagot naman ni Daddy at nagtawanan pa sila ni Tito Jairus, nakita ko pang tumingin sakin ng seryoso si Tita Jairus pero ngumiti lang ako ng tipid sa kanya. Sinulyapan ko si Janna na ngayon ay nakayuko at pimupindot sa cellphone niya, alam kong peke lang naman 'yun at nagpapanggap lang siyang nagtetext para makaiwas sakin. Galit pa kaya siya sakin?

Ako kasi parang kakainin ko na 'yung sinabi kong hindi na ako babalik sa kanya, ngayon pa lang gusto ko ng lumuhod sa harap niya at bawiin 'yung mga sinabi ko sa kanya noon. Nakakapansisi.

"Halina kayo, sumama na lang kayo samin sa table tutal alam niyo naman... Ang mga anak natin..." Makahulugang sabi ni Tita Nanda sabay ngiti sa Mommy ko. Ngumiti naman pabalik si Mommy at hinawakan ako sa braso.

"Come Nate, sumalo na tayo sa table nila." Sabi ni Mommy kaya wala na akong magawa. Alam kong parehas kami ni Janna na wala ng magagawa. Alam naman nila Mommy na may problema kaming dalawa ngayon at base sa tingin sakin kanina ni Tito Jairus, mukhang alam din nila.

Umupo kami sa isang table na pang-anim. Si Daddy at Tito Jairus sa magkabilang dulo ng table, si Mommy nasa kanan ni Daddy samantalang si Tita Nand naman ay nasa kaliwa ni Tito Jairus. Wala ng natirang upuan kung hindi sa kaliwa ni Daddy at sa kanan ni Tito Jairus, ibig sabihin magkatabi kami ni Janna. Minsan talaga nananadya ang mga magulang.

Hinila ko na 'yung upaun at uupo na sana ako sa pwesto sa kaliwa ng Daddy ko kaso tinitigan niya akong ng seryoso sabay senyas sa upuan na katabi ko. Kahit na naiilang ako ay ipinaghila ko ng upuan si Jannapara makaupo siya. Umupo naman siya, pero hanggang ngayon hindi ko pa din nakikita yung mukha niya dahil ayaw niya akong tignan.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon