Chapter Twenty One

190K 2K 84
                                        

Note: 

Dedicated pala sa kanya kasi wala lang. XD Natutuwa kasi ako sa kanya! Bahahaha. :D Basta natutuwa ako sa support niya dito sa PM. Thank you! =)

Picture nila Janna and Nate sa multimedia. :) 

--


Perfect Mistake Chapter Twenty One


*Nate's POV*

"Ayos ba beh?" Bulong ko kay Enzo habang palabas kami ng front door nila Dylan. Sinabi ko kasing sakin na sasabay si Janna para masolo niya si Krista. Nirereto ko siya dun, tutal kakilala naman namin yun.

"Dude. We both know the real reason why you wanna drive Janna home." Pang asar niya na ngiti bago tinapik yung balikat ko at sumakay sa kotse niya.

Epal talaga yun. Dapat pala hindi ko na sinabi dun na may crush na ako dun kay Janna, baka idaldal pa ng kumag na yun.

"Tara na?" Aya ko kay Janna. Ngumiti lang siya kaya pinagbuksan ko na siya ng pinto ng kotse. Ang cute niya talaga, kaya ko crush 'to eh. Sumisingkit yung mata pag ngumingiti.

Tahimik lang kaming dalawa habang nasa byahe. Natatameme ako, ganito yata talaga pag nagkakacrush. Badtrip lang.

"Sineset up mo sila 'no?" Biglang tanong ni Janna kaya napatingin ako sa kanya. Nahalata ba niya?

Ngumiti lang ako bago sumagot sa kanya. "Hehe! Kasi naman si bespren, ang tagal tagal ng walang girlfriend. Kaya nireretuhan ko lang, pag yan si Krista di pa niya nagustuhan aasarin ko na siyang bakla."

Natawa siya ng konti. Naks, napatawa ko siya.

"Hindi naman siguro bakla yun si Enzo. Sayang naman eh." Napapangiti niya pang sagot sakin.

"Sayang? Bakit sayang?"

Nagkibit balikat siya. "Kahit naman palaging nakakunot ang noo niya, gwapo naman siya eh. Kaya sayang kung magiging bakla lang."

Wow ah! Kung si Enzo lang nakarinig nung sinabi ni Janna siguradong palakpak tenga yun. Pero teka nga? Gwapo daw si Enzo? Nagwapuhan siya kay Enzo?

"Ehem!" Nag fake cough ako bago itanong yung naisip kong itanong sa kanya. "Sa grupo namin, may iba pa bang gwapo?" Mukhang tanga na tanong. Duga naman kasi, kay Enzo siya nagwapuhan? Ibig sabihin mas gwapo sakin yung kumag na yun?

Natawa siya bigla tapos tumingin sa kabilang side ng bintana. "Hahaha! Anong bang tanong yan oh?"

Hindi sinagot. Pushets naman. Ibig sabihin ba nun kay Enzo lang siya nagwagwapuhan? Crush niya ba yun? Icrush ko pa mukha nung kumag na yun eh. Parati nga siyang inaasar nun tapos magkakacrush siya? Badtrip naman.

Tinuon ko na lang yung atensyon ko sa pagdridrive nung nagvibrate yung cellphone ko sa bulsa. Mukhang may tumatawag pa. Pinindot ko yung green button kahit hindi ko nakita kung sino yung tumatawag.

"Torpedo! Hahahahaha!" Asar kaagad ni Brix kahit hindi pa ako nag hehello.

"Pinagsasabi mo Brix?" Tanong ko kaagad sa kanya. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na nilingon ako ni Janna.

Tumawa muna siya sa kabilang linya bago ako sagutin. "Kunwari ka pa! Sinabi sakin ni Enzo yung modus mo, sabi ko na nga ba't type mo yan si Janna! Hahahaha!"

"Daldal talaga nung panget na yun!"

Lalo akong tinawanan ni Brix. "Hahahaha! Oh ano nakakahinga ka pa ba dyan? Baka naman nagkapanisan na ng laway 'tol!" Bwiset na 'to nang asar pa. Alam na alam naman nilang hirap ako dumiskarte sa babae pag crush ko.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon