Dedicated to a fan na masipag din magcomment sa mga updates at binati niya ko nung New Year. Hahaha. enjoy sa update. :)
--
Perfect Mistake Chapter 26
*Sophia's POV*
Eh ano pala 'to gaguhan?!
Tinawatawag niya 'kong baby tapos may baby din dito? Punyemas pala eh! Naiinis na ko talaga kaya plano kong kumprontahin na sila. Para kung nagkakalokohan na pala matapos na 'to!
Pahakbang pa lang ako ng mag salita si Dylan.
"Uy Prim ano ka ba?" Parang saway niya dun sa babae. Pero hindi nagpatinag ang haliparot!
"Sige na kasi. Samahan mo na ko mag-mall." Malandi pa ding sabi nung babae. Umiinit na talaga yung ulo ko. Pakiramdam ko gusto ko magwala! Gusto ko sabunutan yung babae pero nanahimik muna ko. Gusto ko pang pakinggan yung pinag-uusapan nila.
"Sira 'to. Ayoko nga. Pupunta dito asawa ko, hinihintay ko lang siya."
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabing yun ni Dylan. Pero ang hindi ko maintindihan bakit hindi siya lumalayo sa babaeng yun? Ano komportable ba siya na nakakapit sa kanya yung mukhang tuko na yun! Leche!
"Psh. Asawa! So what?!" Sa narinig ko hindi na ko nakapagpigil. Naglakad na ko papalapit sa kanila. Nakatalikod kasi sila sa pintuan kaya hindi nila ko pansin. May iilan na lang din yung tao sa loob. Hindi ba niya natanggap yung text ko? E bwiset pala siya eh!
"Uy Dy! Kanina pa kami ni Sophia dito!" Biglang sigaw naman ni Cy na nasa tabi ko na din pala. Napalingon at napatayo naman agad si Dylan.
Yung babae mukhang nagulat pero agad nagbawi at kumunot yung noo. Malandi siya!
"Oh bakit kasama niyo yan?" Tanong ni Cyril kay Dylan at dun sa kasama niya. Tinutukoy niya yung babae kasi tinuro niya pa saglit. Nakasimangot nga si Cy nung sinabi yun.
"Bakit? Sino ba yun Cyril?" Mahinang tanong ko sa kanya.
"Eh may sayad yan e." Bulong din niya sakin.
"Oh yung naiwan mo!" Sabi ko sabay hampas nung folder sa dibdib ng Dylan na yun! Nakakainis siya.
"Oy gagu ka! Pinaubaya na nga sayo eh! Inano mo 'to?" Naiinis na sabi ni Cyril kay Dylan sabay baling niya dun sa babae. "Oy ikaw Primitiva! Alis!" Pagsususngit niya dun sa babae.
Peste! Kasing panget niya yung panagalan niya! Nakakainis siya! Nakakainis silang dalawa! Gusto ko sila pagbuhulin!
"Bakit ako aalis? So what kung asawa siya?" Pagtataray na naman yung babae! Talagang sinusubukan niya ko?
"Aba!" Sabi ko sabay pasugod na ko sa kanya ng pinigilan ako ni Cyril at Dylan.
Nagulat na lang ako sa susunod na ginawa ni Cyril.
"TANG*NA!! PAG SINABI KONG UMALIS KA! UMALIS KA! SINABING ASAWA YAN! TANGA KA BA O NAGTATANGA TANGAHAN? ALIS NA!"
Sinigawan ni Cyril yung babae ang malala pa inambaan niya ng suntok. Alam ko naman na hindi niya itutuloy yun at tinakot lang niya yung babae. Pero nakakatakot pa din yung ginawa niya. Natulala yung si Primitiva na yun at parang naiiyak na.
"ANO?! ALIS!" Sigaw pa ulit ni Cyril.
Hindi na nakapagpigil yung babae kaya napatakbo na lang siya habang umiiyak.
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...