Chapter Thirty Three

149K 1.4K 45
                                    

Perfect Mistake Chapter 33


*Sophia's POV*

"Baby..."

"Mmm..."

"Ui baby, gising na.."

Kahit na antok na antok pa 'ko pinilit kong imulat yung mata 'ko, kasi naman ang kulit netong katabi ko.

"Oh?" Sabi ko habang pilit na dinidilat yung beautiful eyes ko.

"Goodmorning baby!" Bati niya sakin sabay smile, kahit pa magandang view sa umaga si Dy antok pa din ako.

"Goodmorning. Tulog pa tayo Dy, antok pa ko oh." Sabi ko tapos pumikit na ako pero niyakap ko siya, baka kasi magtampo.

"Eh baby! Gising na kasi tayo." Sabi pa niya habang mahinang niyuyugyog yung balikat ko. Ang kulit. 

"Bakit ba Dy? Antok na antok pa ko oh." Gusto ko nang magmaktol.

"Gising ka na. Tignan mo yung kwarto natin dali." Cheerful niyang sabi. Syempre pagbigyan, baka kung ano na namang pakana netong asawa ko eh. Pinilit kong ibangon  yung sarili ko at dumilat kahit antok pa talaga ako.

"Surprise!" Sabi ni Dylan sabay talon sa pababa ng kama at nakaspread pa yung kamay niya, yung parang itsura ng mga magician pagkatapos gumawa ng magic trick, Yung may 'tenen' effect pa. Parang sira lang. 

"Dylan Zayn, bakit ang kalat ng kwarto?" Nakamulagat na tanong ko sa kanya.

"Surprise kaya 'to! Happy Valentine's Day baby ko!" Sabi niya sabay inulit yung pose niya kanina. Hindi ko naman tuloy mapigilan na hindi matawa, yung itsura naman niya kasi.

"Wag ka na magpanic dyan baby ko, ako naman magliligpit nito." Tinutukoy nya yung sinasabi kong mga kalat na petals ng flowers pala na nagkalat sa sahig at kama. Akala ko kasi nagkalat lang siya tapos ipapalinis niya sakin.

"Happy Valentine's Day asawa ko." Sabi niya ulit sabay abot ng bouquet ng roses. Red and white. Napangiti tuloy ako.

"Happy Valentine's Day Daddy!" Sagot ko tapos pinatong ko muna yung roses sa kama. Tumayo ako at niyakap ko siya, ang posisyon namin nakatungtong ako sa kama habang siya nasa baba at nakayakap sa waist ko.

"Hey baby, happy valentines." Sabay kiss niya sa tyan ko. Nakiliti naman tuloy ako. 

"Ano na namang pakana 'to Dylan?" Natatawa kong tanong, for sure kasi kung hindi siya may surprise may plinaplano siya. 

"Secret baby. Naisip ko lang kasi first Valentine's Day natin 'to na magkasama. Dapat special di ba?" Tanong niya habang nakayakap pa din.

"Araw-araw naman parang special  na din pag kasama kita ah." Kinikilig at natatawa kong sagot.

"Corny baby pero kinikilig ako. Hahaha. Ang bading lang." Sagot niya sabay yuko. Nahiya pa. 

"Ligo na baby, basta aalis tayo." Binuhat niya pa ko pababa ng kama.

"Saan naman tayo pupunta?" Pang iintriga ko sa kanya.

"Basta baby, magbihis ka na ah. Hihintayin kita sa baba, ibibgay ko lang 'tong flowers ni Mama at Ate." Sabay kuha niya nung dalawa pang bouquet sa ibabaw ng work table niya.

"Sweet naman ni Daddy. Sige liligo na ko ah." Natutuwa kong sabi sa kanya. Hindi lang kasi siya sakin sweet, pati kay Mama Dean a sobrang miss na miss niya at kay Ate Zea kahit lagi siyang sinasapak. Hahaha.

"I love you." Sabi niya bago bumaba.

Hindi na ako nakasagot kaya naman nagderetso na kaagad ako sa shower at naligo. Pagkatapos ay namili kaagad ako ng susuotin ko. Yung closet kasi namin ni Dy puno na ng maternity dress, konting panahon pa puro ganito na yung susuotin ko. Pinili ko lang yung black na above the knee dress tapos white flats. Para naman medyo payat akong tignan, sabi kasi nila ang taba ko na daw. :3 Pagkatapos kong mag-ayos ng konti bumaba na din kaagad ako. Naabutan ko na lang si Dylan, Mama Dea at Papa Zeus sa sala.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon