Chapter Fifteen

186K 3K 224
                                    

Perfect Mistake Chapter Fifteen

 

*Sophia's POV*

 

"Haaaay! Nakahinga na din ng maayos at maluwag! Ang sarap sa feeling." Painat inat ko pang sabi nung makaupo ako sa isang dito sa garden, halos katabi na nga pool.

"Good job! I saw your designs kanina bago ka umalis. They we're all good!" Bati sakin ni Ate Zea na nagbabasa ng magazine. Mukhang wala yata siyang trabaho ngayon sa boutique niya.

"Thank you Ate, nainspire kasi talaga ako sa designs mo. Ilang araw ko din yun pinagpuyatan pero nasulit naman dahil ang taas ng grade ko!" Tuwang tuwa ko pa din na binalita sa kanya.

"You know what Soph? I think we deserve a day out." Nakangiting tanong ni Ate Zea.

"Saan naman po tayo pupunta?"

"Magpa-salon tayo! Girl bonding lang." Excited niyang sabi.

Tumango naman ako.

*

"Haaaaay. Nakakarelax." Narinig kong sabi ni Ate Zea habang nagpapafootspa.

"Ate, nagpaalam po ba sayo si Dylan kung saan siya pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Ha? Bakit? Hindi nagpaalam sayo?" Tanong niya.

Umiling ako pero narealize ko na hindi nga pala ako nakikita ni Ate Zea. "Hindi po eh."

"Ah baka naman kasama lang niya sila Nate. Hayaan mo nay un para wala tayong istorbo sa girl bonding. Hihi!"

Napanguso na lang ako sa sagot ni Ate Zea. Pagkagising ko kasi wala na kaagad si Dylan. Hindi naman siya nagsabi kagabi na maaga pala siya aalis. Wala ding note o kung anong letter. Nanggaling na ako sa Hillsdale pero wala naman yung sasakyan niya dun. Tapos buong maghapon pa siyang hindi nagtetext. Ayoko naman mauna magtanong kung nasaan siya dahil baka isipin niya na napakahigpit ko sa kanya e hindi pa naman kami. Hay, sana naman kasi kahit isang text lang eh.

*

"Ang sarap magpafoot massage di ba?" Tanong ni Ate Zea habang nagpapa ayos siya ng buhok. Ako naman nagpamanicure nalang. Parang royalty treatment nga kami sa salon at spa na 'to eh, siguradong mahal 'to.

"Opo. Sobrang nakakarelax, nawala lahat ng stress ko." Maigsi kong sagot kay Ate Zea sabay sulyap sa cellphone kong hawak.

"Oh what's wrong?" Mukhang napansin ni Ate Zea na wala ako sa mood.

Sumeryoso ako. "Hindi po kasi nagtetext si Dylan simula pa kaninang umaga eh."

Ngumiti lang ng tipid si Ate Zea. "Miss mo 'na?"

Tumango ako ng konti. "Sanay po kasi ako na nagtetext siya kahit busy siya para kamustahin ako, o kaya naman para magsabi kung nasaan siya. Kaso ngayon po kahit blank message wala eh."

Hinawakan ako ni Ate Zea sa balikat at tinapik tapik. "Baka naman may importante lang na pinagkakaabalahan. Hayaan mo na, sigurado namang magkikita kayo mamaya."

Napanguso na lang ako. Ano naman kayang importanteng pagkakaabalahan niya? Wala pa namang pasok. Ayst!

*

"Someday we'll know.... Lalalalala... Someday we'll know. Lalalalalalala! Hahahaha. Di ko alam yung buong lyrics eh!" Natatawang sabi ni Ate Zea habang nagdridrive.

Natawa din tuloy ako sa pagkanta niya. Pauwi na kami ngayon galing sa salon, gabi na din nga eh. Pero nagsnacks naman kami ni Ate Zea kanina kaya pakiramdam ko busog pa din ako.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon