Chapter 52
*Sophia's POV*
"Uwaaaaaah...."
"Shhhh. Shhh baby, tahan na." Pilit na pinapatahan ni Dylan si Aian habang nandito kami sa garden. Naglalaro kasi si Zion ng toy car kaya dito na din kami para mabantayan namin.
"Pinaglalaro mo na kaagad si Zion, magaling na ba yan?" Tanong ko sa kanya.
Hindi naman niya ako nilingon dahil hindi pa din niya mapatahan si Aian pero sinagot nya din ang tanong ko. "Sinat na lang naman, kawawa naman kung magkukulong lang siya sa kwarto."
Hindi ko na sinagot yung tanong niya. Wala pa din ako sa sarili ko. Ilang araw na nga ba? Ilang araw na din akong tuliro kakaisip. Pakiramdam ko natotorture na yung utak ko.
"Kamusta pala yung lakad niyo nila Janna? Nakapili ka na ba?" Tanong nya ulit.
"Buti naman naisipan mong itanong." Pabulong kong sagot sa kanya. Inis na naman kasi ako. Akala ko wala na siyang planong kamustahin yung tungkol sa food tasting. Akala ko wala na siyang pakialam sa kasal.
"Ha?" Lingon niya sakin.
"Wala. Sabi ko okay naman,, nakapili naman ako ng maayos kasi tinulungan ako nung dalawa." Sagot ko sa kanya habang nakatingin sa kabilang side.
Lately parang ibang tao ang kasama ko. Parang hindi si Dylan. Kung noon nasanay na ko sa pabago-bagong ugali niya, ngayon iba eh. Parang may mali o may something samin na hindi ko din ma pinpoint kung ano. Pakiramdam ko maski siya wala din sa sarili niya. Nakakawalang gana yung ganito kami.
*blaaaag*
Napalingon ako sa narinig kong ingay at nakita ko si Zion na nakadapa na sa mga damo.
Hindi pa man din nadidigest ng utak ko na nadapa na pala siya, naramdaman ko na lang na inabot ni Dylan si Aian sakin kaya agad ko siyang kinuha.
Nakatingin lang ako kay Dylan nung tumakbo siya palapit kay Zion hanggang sa itayo niya yun. Kitang-kita ko sa mukha niya kung gaano siya nag-aalala. Katulad nung pag-alala na nakita ko nung may sakit si Zion. Gaya nung pag-alala niya nung nalaman niya yung tungkol sa note.
"A-anong nangyari ba?" Nag-aalangan kong tanong kay Dylan nung buhatin niya si Zion. Nakita ko din yung dumugong tuhod nung bata.
Pero imbes na sagutin ako ni Dylan tuloy tuloy lang siyang pumasok sa loob ng bahay.
"Manang! Nasan ba yung first aid dyan? Pakilabas nga!" Dinig kong sigaw niya pa pagkapasok niya.
Naiwan kaming dalawa ni Aian dito sa garden.
Dylan, bakit ka ba ganyan sa kanya?
*
Nagmamadali akong lumabas ng CR dahil kanina ko pa naririnig yung phone ko na tumutunog. Baka importanteng tawag.
Dinampot ko kagad yung phone ko na nasa ibabaw ng drawer.
Incoming Call....
Coordinator Leslie
"Hello Ma'am?"
"Oh Hello Les. Bakit ka napatawag?"
"Gusto ko lang po sana itanong kung ayos na yung guest list niyo? Kailangan ko na po kasi next week para makita niyo na din po yung invitations at para sa venue at food preparations." Tuloy-tuloy niyang tanong.

BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...