Chapter Twenty Three

187K 1.8K 100
                                    

Moon's Note: 

Dedicated to the writer of "Just Another Chance". Visit her profile and read her stories as well. magaganda yun. I became her fan bago pa kami maging friends. 

Here's the update. Teka ba't english ako ng english? XD 

The Fernandez family sa multimedia. Ang cute nila 'no? :) 

--

Perfect Mistake Chapter Twenty Three

 

*Sophia's POV*

 

 

"And I-ah-ah-I'm in loveee... I-ah-ah-I'm terrifieeeddd... For the first time and the last time in my onlyyy lifeee..."

Napatakip na lang ako sa tenga ko dahil sa naririnig ko, ang ingay eh. "Dy wag ka na ngang kumanta." Reklamo ko sa kanya habang kumakain ng sundae at fries na magkahalo. Ang sarap pala pag pagsasamahin silang dalawa.

"Sino kaya po may kasalanan? Lagi mo pinapatugtog eh. Yan tuloy." Sagot niya habang naglalaro ng kung ano sa phone niya. Kanina pa siya laro ng laro niyan, hindi ko naman maintindihan yung game. Pagkatapos namin mag snorkel inaya niya ako sa may poolside na may shed dahil sobrang init din kasi ng araw.

"Ako na naman may kasalanan. Ano ba yang nilalaro mo Dy? Kanina ka pa dyan eh." Maktol ko sa kanya. Vacation 'to tapos siya games ang inaatupag, gusto ko na siyang batukan.

"Wait lang baby, malapit ko na malagpagpasan high score ko." Sabi niya na nakafocus pa din sa ginagawa niya.

Napailing na lang ako at tinuloy yung pagkain ko ng sundae at fries, lately nahihilig din ata ako sa siniganag at tocino na pinagcocombine. Ang weird pero yun ang madalas kong kainin ngayon.

"O-oy! Bata!" Nagulat ako kasi napasigaw si Dylan, pagtingin ko may bata na nasa harapan niya at hawak niya din yung phone ni Dylan.

"Hala! Dead na!" Parang naasar na tono ni Dylan habang nakasimangot siya dun sa batang babae na mukhang 4 to 6 years old sa hula ko.

"Ball! Surfing!" Tinuturo pa nung batang babae yung cell phone ni Dylan. Ang cute cute niya, mukha siyang maliit na dalaga. Mukha pang manika.

"Uy bata. Nasayang yung score ko, malapit ko na mabeat eh." Parang batang nakanguso si Dylan sa phone niya. "Highscore ko." Lukot face pa siya.

"Have you seen my Mommy and Daddy? I can't find them." Mahinhin na sabi nung cute na bata.

Nagtaktinginan kami ni Dylan tapos nagsalita ako. "Dy, English speaking. Tawagin mo si Enzo."

Natawa na din tuloy si Dylan. Infairness kasi dun sa bata, bata pa siya magaling na siya mag straight English.

"Are you lost baby? Do you want me to help you find them?" Tanong ko sa bata. Tumango naman siya ng tumango kaya napangiti kami parehas ni Dylan. Alam kong parehas kami ng naiisip ngayon, ano kaya kung ganito din kacute ang magiging baby namin?

"What's your name?" Tanong naman sa kanya ni Dylan.

Magiliw naman sumagot yung bata. "My name is Andria Charmaine Garcia Fernandez. I'm 5 yeards old." Tinaas niya pa yung kanang kamay niya habang nakaangat ang lahat ng fingers niya, signaling na 5 na nga siya. Nakakaaliw.

"Hi Andreia, I'm tita Sophia and he's tito Dylan." Pagpapakilala ko samin ni Dylan.

Bigla bigla naman nagtatalon yung bata at paulit ulit yung sinasabi niya. "Mommy! Mommy! Mommy Sophia!"

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon